|
||||||||
|
||
Isang espesyal na programa tungkol sa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI) ang naibrodkas ngayong umaga sa National Broadcasting Network (NBN 4) ng Pilipinas at kasabay ring isinahimpapawid via live streaming sa website nitong ptni.tv.
Kasabay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing Agosto, at sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng Serbisyo Filipino at Prodyuser ng "The Morning Show" ng NBN 4 na si Machelle A. Ramos, isang programa ang nabuo na nagsasalaysay sa mga gawain, kasaysayan, at mga miyembro ng Serbisyo Filipino.
Ayon kay Binibining Ramos, ang programang ito ay isang pagpupugay sa mga mamamahayag ng naturang multimedia network na alagad ng wikang Filipino.
Ang naturang programa ay muling isasahimpapawid via live streaming ngayong hapon, 5:00p.m. at ngayong gabi, 9:15p.m.
Ang Serbisyo Filipino ng Radyo ng CRI ay siyang tanging multimedia network sa labas ng Pilipinas na nagsasahimpapawid sa buong mundo sa wikang Filipino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |