|
||||||||
|
||
Kung babanggitin ang Hong Kong, ang una sa isip ninyo ay pag-sho-shopping. Marami ang mga kilalang international brands sa Hong Kong at mababa ang presyo dahil walang tax. Lalung-lalo na sa panahon ng Pasko, mas mababa ang presyo ng mga paninda sa Hong Kong, dahil may "big sale" o "crazy sale." Maaari kang bumili ng mga magagandang bagay o branded sa mababang presyo bilang pamasko sa iyong pamilya.
Sa Paglapit ng araw na kapaskuhan sa bawat taon, sinisumulan ang big sale sa taglamig sa iba't ibang malalaking shopping mall at maliliit na tindahan sa Hong Kong. Makikita ninyo ang lahat ng mga pinakapopular, pinakasulong at napakamurang paninda na gaya ng damit, meykap, alahas, cell phone, digital products, at maraming iba pa.
Ang Causeway Bay ng Hong Kong ay lugar na nagtitipun-tipon ang nakararaming modernong shopping malls na gaya ng Times Square, SOGO, Fashion Walk, Lee Gardens & Lee Gardens Two, Jardine's Bazaar & Jardine's Crescent at iba pa. Lalung lalo na, sa araw ng kapaskuhan, nagiging napakainit ang atmospera sa mga shopping malls at tindahan, at may tanda ng "Big Sale" ang lahat ng mga tindahan sa iba't ibang kalye.
Ang Hong Kong Brands & Products Expo ay isa pang mabuting choice. Bilang isa sa mga malaking ekspo sa Hong Kong bawat taon, kilalang kilala ang naturang 24-araw na ekspo sa mayamang uri ng paninda at mababang presyo. Bukod sa iba't ibang uri ng pagkain, kagamitan, home appliances, maaaring kayong makabili ng iba pang de-kalidad, pero napakamurang produkto na yari ng Hong Kong.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |