Idinaos kahapon sa Bali Island ang Pulong ng Mga Ministrong Panlabas ng Bansang ASEAN. Tinalakay ng mga ministro ang hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng integrasyon ng ASEAN, pagtatatag ng Organisasyon ng Kapayapaan at Kompromismo ng ASEAN at iba pang isyung panrehiyon at pandaigdig na kanilang pinahahalagahan.
Ayon sa press communique na ipinalabas pagkatapos ng pulong, nagsanggunian ang mga kahalok na ministro kaugnay ng pagsasakatuparan ng Karta ng ASEAN at sumang-ayong opisyal na iharap ang mungkahi ng pagtatag ng Organisasyon ng Kapayapaan at Kompromismo ng ASEAN sa darating na ASEAN Summit. Ayon sa iskedyul, nakatakdang itatag ang nasabing organisasyong naglalayong lutasin ang sagupaan sa loob ng rehiyon sa taong 2012.
Bukod dito, tinalakay din ng mga ministro ang mga isyung tulad ng pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in South China Sea, gawaing panaklolo sa baha at rekonstruksyon, pagsapi ng Brazil sa Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia, kalagayan ng Korean Peninsula at isyung Gitnang Silangan at iba pang isyung panrehiyon at pandaigdig.