|
||||||||
|
||
Magkahiwalay na kinatagpo kahapon sa Bali, Indonesia, ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina, ang kanyang mga counterpart na si Julia Gillard ng Australia at Lee Hsien Loon ng Singapore.
Sina Julia Gillard (kaliwa) at Wen Jiabao (kanan)
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Gillard, ipinahayag ni Wen na sa harap ng masalimuot na sitwasyong panrehiyon at pandaigdig, dapat patibayin ng dalawang bansa ang kompiyansa para marating ang kasunduan ng bilateral na malayang kalakalan sa lalong madaling panahon; dapat nila pasulungin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng pinansiya, enerhiya at agrikultura at palawakin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran, bagong enerhiya, malinis na enerhiya at serbisyo; dapat ding palawakin ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura para mapalalim ang paguunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sina Lee Hsien Loon (kaliwa) at Wen Jiabao (kanan)
Sa kanya namang pakikipagtagpo kay Lee Hsien Loon, ipinahayag ni Wen na dapat lubos na patingkarin ng dalawang bansa ang papel ng mga mekanismong gaya ng magkasanib na komisyon ng bilateral na kooperasyon at palakasin ang pagpaplano at mainam na isagawa ang kasunduan ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Singapore, at dapat aktibo at maayos na pasulungin ang kanilang kooperasyong pinansiyal at palawakin ang pagpapalitan sa edukasyon at kultura para ibayo pang mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |