Dumating ngayong araw ng Seri Begawan, kabisera ng Brunei, si Premyer Wen Jiabao ng Tsina para pasimulan ang kanyang opisyal na pagdalaw sa bansang ito. Nitong 20 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Brunei, ito ang kauna-unahang pagkakataon ng pagdalaw ng premyer Tsino sa Brunei.
Sa kanyang nakasulat na talumpati sa paliparan, sinabi ni Wen na nitong 20 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, natamo ng relasyon ng dalawang bansa ang napakalaking pag-unlad. Madalas ang pagdadalawan ng mga mataas na lider ng dalawang bansa, mabunga ang kanilang kooperasyon sa iba't ibang larangan, at napapanatili rin ang mahigpit na pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Sa bagong sitwasyon, ang pagpapalalim ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Tsina at Brunei ay hindi lamang naaangkop sa pundamental na interes ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, kundi makakatulong sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito.
Salin: Li Feng