Ang Hong Kong Disneyland Sa Penny's Bay, Lantau Island, bawat taon, mula ika-18 ng Nobyembre hanggang ika-2 ng Enero ng susunod na taon, idaraos dito ang espesyal na aktibidad sa kapaskuhan na may temang "A Sparkling Christmas." Lilikhain ng parke ang isang romantikong daigdig ng fairy tale, at matutuklasan ninyo ang mga elemento ng Pasko na gaya ng puppy, Christmas angel, gingerbread house, kendi at toy bear. Sa sentro ng Main Street, U.S.A., ilalagay ang isang halos 20 metrong taas na Christmas tree, at pagdating ng gabi, pipiliin ang isang masuwerteng bisita para mangulo sa seremonya ng pag-iilaw ng Christmas tree. Pagkaraang ilawan ang puno, makikita ng mga bisita ang pagsasayaw ng niyebe sa himpapawid. Tumatagal nang isang oras ang pag-ulan ng artificial snowflake bawat gabi.
Bukod sa Hong Kong Disneyland, ang mga aktibidad na Pampasko sa Ocean Park Hong Kong ay isa pang rekomendasyon. Iba iba ang aktibidad dito bawat taon at ang lahat ay karapat-dapat na bisitahin.Sa panahon ng kapaskuhan noong isang taon, nagtampok naman ang Ocean Park Hong Kong sa dalawang 6-metrong taas na plataporma na may histura ng Christmas tree. Nakatayo sa mga plataporma ang mga miyembro ng Christmas choir, at nag-enjoy ang mga bisita ng mga paboritong Christmas melodies mula sa kanila.
Hindi ipapalabas ang nilalaman ng selebrasyon ng Ocean Park sa kasalukuyang kapaskuhan, pero kung walang pananabik, walang sorpresa, tama ba?