|
||||||||
|
||
Magandang gabi mga giliw na tagapakinig. Ito si sarah para sa programang Mga Pinoy sa Tsina sa gabing ito.
Sa programang ngayong gabi, isasalaysay namin muna ang isang samahan na napakahalaga para sa Tsina at Pilipinas: Kaisa Para sa Kaunlaran. Para sa mga Tsino nasa Pilipinas, tiyak na pamiliyar na pamiliyar ang samahang ito.
Noong taong 1970, itinatag ang Kaisa Para sa Kaunlaran ni Chinben See, isang Tsino sa Pilipinas. Ang layunin nito ay:sa pamamagitan ng iba't ibang legal na paraan, pasulungin ang pagkakaisa ng iba't ibang nasyonalidad sa Pilipinas. Pagkaraan ng 41 taong pag-unlad, sa kasalukuyan, ang Kaisa Para sa Kaunlaran ay naging napakakilala sa Pilipinas.
Noong nakaraang buwan, Si Madame Teresita Ang-See, kasalukuyang tagapangulo ng Kaisa Para sa Kaunlaran ay dumating ng Tsina. Sa Pamantasang Peking, idinaos ang isang simposyum, at sa simposyum na ito, bumigkas ng talumpati si Madame Teresita Ang-See. Ang taong ito ay ika-100 anibersaryo ng 1911 revolusyon, sa talumpati ni Madame Teresita Ang-See, ipinlabas niya ang mga palagay hinggil sa rebolusyon, relasyon ng Tsina at Pilipinas, komparasyon nina Sun Yat-sen at Jose Rizal at iba pa. Sa programang ngayong gabi, ibabahagi natin ang ikalawang bahagi talumpati ni Madame Teresita Ang-See.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |