Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

OFW, parang sikat ng araw, dala ang saya sa pinagtatrabahuhan nila

(GMT+08:00) 2012-01-16 18:39:17       CRI

Alam natin, kilalang kilala sa buong daigdig ang mga Overseas Filipino Workers o OFW. Sa kasalukuyan, 8 hanggang 11 milyong OFW ang nagtatrabaho sa mahigit 190 bansa sa buong mundo. At sila ay may napakahalagang papel na ginagampanan sa pag-unlad ng kabuhayan ng Pilipinas. Bilang parangal sa mga namumukod tanging OFW, handog bawat taon ng Bagong Bayani Foundation Inc., kasama ng Department of Labor, Philippine Overseas Employment Administration o POEA, at Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, ang Bagong Bayani Award.

Noong Disyembre Uno ng taong 2011, ginawaran sa Malacanang ni President Benigno Aquino III ng Bagong Bayani Award for 2011 ang ilang manggagawang Filipino sa ibayong dagat. Si Marco Torres, isang associate director na nagtatrabaho sa KRA International sa Beijing ay isa sa mga nakakuha ng gantimpala. Kinapanayam kamakailan dito sa Beijing ni Machelle si Ginoong Marco.

Kinapanayam ni Machelle si Ginoong Marco Torres

Sabi ni Marco Torres na ang mga Pinoy ay parang sikat ng araw, at lagi silang nagdadala ng saya sa mga lugar na pinagtatrabahuhan nila. Sang-ayon sa ganitong palagay ang isa pang Pinoy na si Ramon Almazan. Si kuya Ramon ay isang pianist sa Sheraton Hotel. Aniya, ang mga entertainer na Pinoy ay "number one" sa buong mundo.

Si Ramon Almazan

Maraming maraming salamat sa inyo, kuya Ramon. Sa katunayan, may maraming Filipino entertainer sa iba't ibang sulok ng Tsina. Halimbawa, sa mga kilalang bars at five star hotels, makikita natin ang mga Filipino bands, at enjoy ang kanilang makukulay na palabas. Kaugnay nito, kinapanayam ni Machelle si Darren Bayot Lange, isang singer na nagtatrabaho nang 6 na taon sa Tsina.

Si Darren Bayot Lange

Ayan, flexible at may variety ang repertoire! Ito ang dahilan bakit nagiging popular ang mga Filipino bands sa Tsina, maging sa buong mundo. Mga giliw na tagapakinig, hanggang diyan na lang ang ating programang "Mga Pinoy sa Tsina" sa gabing ito. Kung mayroon kayong mungkahi o kuru-kuro tungkol sa aming programa, huwag po kayo mag-atubiling mag-iwan ng mensahe sa website ng Serbisyo Filipono na Filipino.cri.cn.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>