|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ng State Administration of Foreign Experts Affairs O SAFEA, nabigyan ng pagkakataon ang ilang foreign experts ng China Radio International para mapanood ang bersyong Tsino ng Nutcracker bilang pagkilala sa ina-Ambag ng libo libong dayuhang propesyunal sa social development ng Tsina.
Ang Nutcracker ay natatanging pagtatanghal ng National Ballet of China.
Ang National Ballet of China ay nag-iisang national ballet company ng Tsina. Ito ay itinatag noong ika-21 ng Disyembre 1959 sa ilalim ng pagkatig ng pamahalaan. Ang lahat ng mga mananayaw at musiko ay mula sa propesyonal na eskuwelahan ng sayaw at musika. Sapul nang maitatag ang grupong ito, natatanggap nito ang walang tigil na pagkatig ng pamahalaang Tsino. Bukod dito, malawakang nakikilahok ang National Ballet of China sa pakikipagpalitang pandaigdig na nakatawag ng malaking pansin ng international ballet world.
Ang Nutcracker ay isang klasikong ballet na madalas ng ipinalalabas tuwing Kapaskuhan.
Sa Chinese Version, sa halip na Pasko ipinakita ang pagdiriwang ng Spring Festival.
Naiiba ang bersyon dahil sa mga elemento na nagpapakita ng kultura at pamumuhay ng mga Tsino. Kung sa orihinal na piyesa ni Petipa At Ivanov mayroong Mouse King, Sugar Plum Fairy at Snow Kingdom... Sa bersyon na ito may Nian Monsters, Crane Goddess at Porcelain Kingdom.
Sa saliw ng mga kilalang kilalang komposisyon ni Tchaikovsky, napahanga ang mga manonood sa husay ng mga ballerina at principal male dancers ng National Ballet of China. Pagkaraang panoorin ang palabas, kinapanayam ni Machelle, reporter ng Serbisyo Filipino ng China Radio International, ang dalawang manonood hinggil sa ballet show na ito.
Ang artistic director ng National Ballet of China ay si Madam Feng Ying. At muling itatanghal ng Nutcracker Chinese Version sa January 24 at 25 sa National Center For The Performing Arts.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |