|
||||||||
|
||
Si Peachy ay 13 taon nang naninirahan sa Tsina. Sya ay isang singer at kasalukuyang bahagi ng duo na Peachy and Laddy. Sila ay kasalukuyang kumakanta sa Cafe Del Mar dito sa Beijing. Ngunit bago pumunta sa Beijing si Peachy ay nagtrabaho sa isang hotel sa Chongqing.
Ayon sa kanya sa Chongqin nakita ni Peachy ang kanyang ikalawang tirahan. Dito nakilala nya ang maraming mga kaibigan na tumanggap at kumalinga sa kanya kahit na sya ay isang dayuhan.
Dahil 13 taon na siyang nakatira sa Tsina, marami na rin syang natutunang mga kaugalian. Kasama na dito ang mga kaugalian kapag Spring Festival. Nagutuhan nya ang pagkain sa Chongqing kahit na ito ay maanghang.
Narito ang panayam kay Peachy
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |