|
||||||||
|
||
Hatid namin ang ikalawang bahagi ng aming panayam kay Judith Los Banos. Sya po ay kasalukuyang Director of Marketing ng Hainan Airlines Hotel Group.
Sa loob ng sampung taon, malaki ang pinagbago ng Beijing. Matapos ang Olympics, di mapigil ang pag-unlad ng lungsod. At para kay Judith Los Banos, isang Pilipina na 13 taon ng naninirahan sa Tsina, saksi sya sa naging mabilis na pagbabago ng ikalawang pinaka mayamang bansa sa daigdig.
Sa episode na ito, magbabalik tanaw si Judith, ang hinirang na MarCom Director of the Year sa 3rd Annual Women in Business Leadership Awards, sa kanyang pamumuhay sa Tsina noong hindi pa ganap ang kaunlaran nito.
Sikat na tourist destination ang Beijing dahil sa maraming pasyalan tulad ng Great Wall at Forbidden City. Pero noong 1998, nagkaroon na din ng mga bagong libangan ang mga taga Beijing tulad ng disco at bowling alley.
Marami na ding narating na mga lalawigan si Judith sa loob ng higit isang dekadang nyang pagtra-trabaho sa Tsina. Marami sa mga lugar na ito ang nag iwan sa kanya ng mga malalim na impresyon.
Related: Judith Los Banos, ipinamalas ang galing ng Pinay sa Hospitality Industry ng Tsina
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |