|
||||||||
|
||
Nakilala ko si Aprilyn Celesios sa isang salu salo noong nakaraang Pasko dito sa Beijing. Tulad ng maraming mga Pinoy sa ibat ibang panig ng mundo, pinagdiwang nya ang Pasko sa pamamagitan ng virtual Noche Buena.
Ngayon lang kasi nalayo sa pamilya si Aprilyn. Higit 15 taon na siyang kasal at lima ang anak nya.
Napadpad sya ng Beijing dahil gusto nyang subukin ang kanyang sarili. Kaya ba niyang mag-trabaho ulit dahil matagal din syang naging maybahay o homemaker? Kaya nya kaya ang buhay ng isang dayuhan sa Tsina? Ano ang pakiramdam ng isang babaeng may disposisyon at sinusubukang tumayo sa sarili nyang mga paa?
Alamin po natin ang kasagutan sa mga tanong na ito ngayong gabi sa Mga Pinoy sa Tsina.
Sinuwerte si Aprilyn. Di nagtagal ang kanyang paghahanap at natanggap siya sa kanyang trabaho. Pinaka mahalaga dito legal ang lahat ng kanyang mga papeles. At nasaayos pati ang kanyang working visa. Sagot ng kumpanya ang lahat ng gastusin. Mukhang naka ngiti ang langit sa kababayan nating makikipagsapalaran dito sa Tsina.
Kasalukuyang Teaching Assistant si Aprilyn sa isang international school sa Liangmaqioa, Beijing. At masaya sya sa kanyang ginagawa. Pakiramdam nya para niyang mga anak ang mga bata sa klase nya.
Wala syang masabi sa kanyang mga ka trabaho. Maging ang Lead Teacher ay kasundo niya. Kung babalikan natin ang mga tanong sa simula ng ating programa. Walang duda na may pinatutunayang galing ang ating kababayan na mula sa Cagayan de Oro.
Ngayong gabi natutunan kong hindi palaging kahirapan o pera ang dahilan kung bakit kailangang maging OFW ang ating mga kababayan.
Sa aking panayam ngayong gabi, nalaman kong isang importanteng dahilan din ang kagustuhang subukin ang kakayanan at sukatin ang pwedeng marating na tagumpay.
Si Aprilyn Celesios ay halimbawa ng isang makabagong babae na buong tapang na sinusubukang itaguyod – mag-isa - ang kanyang sarili.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |