Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Benjamin Lim :2011 Reuters Reporter of the Year

(GMT+08:00) 2012-04-13 15:18:56       CRI

Ngayong gabi isang reporter ang aming nakapanayam para sa Mga Pinoy sa Tsina.

Para sa taong 2011 pinarangalan ng Thomson Reuters bilang Reporter of the Year si Benjamin Lim. Kinilala ang kanyang mga scoop ng mga importanteng kaganapan sa Tsina at Hilagang Korea. Siya ang unang nagbalita ng mga sumunod:

• Pag-limpyo ng Tsina sa RMB 10 trillion na local government debt;

• Mga bagong opisyal sa banking, securities and insurance ng Tsina;

• Suporta ng militar ng Democratic People's Republic of Korea para kay Kim Jong-un;

• Plano ng Tsina na gumawa ng 2 indigenous aircraft carriers;

• Pangako ng Tsina na mamuhunan ng $ 1.5 trillion sa pitong mahalagang industriya

Sa Pilipinas ipinanganak at lumaki si Ginoong Lim. Ngunit sa Taiwan at sa Beijing sya nanirahan ng maraming taon. Sa mga bansang ito pinatunayan nya ang kapuri-puring galing sa pamamahayag. Hindi man nagtapos ng Mass Comm o Journalism, taglay naman nya ang mga katangian para irespeto sa larangang matindi at kung minsa'y di masisikmura ang kompetisyon.

LEGEND. Ito ang bansag ng mga taga media kay Benjamin Lim. Dahil 1995 sinimulang iukit ng reporter ang kanyang pangalan sa industriya. Hindi lang minsan, tila lagi siyang una ng isang hakbang sa kapwa niya mamamahayag. Maingat. Mabusisi. Matinik.

Bilang China Specialist Correspondent ng Thomson Reuters, mananatiling isa si Benjamin Lim sa mga batikan nitong mamamahayag. At sa lumalakas na impluwensya ang Tsina sa daigdig ang kanyang mga balitang inu-ulat ay patuloy na magkaka marka sa internasyonal na komunidad.

Kung mayroon kayong kuru-kuro o mungkahi tungkol sa aming programa, huwag po mag-atubiling mag-iwan ng mesahe sa aming website na filipino.cri.cn., o magpadala ng text messages sa numerong 0921-2572397. Sa mga kabarkada sa facebook, ipaki-click lamang po ang "like" button sa aming facebook page na crifilipinoservice para magkaroon po kayo ng updates sa aming mga programa at ibat-ibang aktibidad.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>