![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Para sa episode ngayong gabi, ibabahagi namin ang highlights ng Philippine Tourism Conference dito sa Beijing para itampok ang Puerto Princesa, Palawan.
Si Machelle Ramos, mamamahayag ng Serbisyo Filipino, sa Philippine Tourism Conference
Ayon sa 2012 Annual Report ng China Outbound Tourism Development, ang mga turista mula sa mainland ay nakagawa ng 70 milyong biyahe sa ibang bansa noong 2011. At para sa taon ito, tataas pa ang bilang at inaasahang aabot ito ng 78 milyong tours. Ang Tsina sa kasalukuyan ang pinakamalaking bansa na pinanggagalingan ng mga turista na outbound.
Kinapanayam ni Machelle si Director Louella Jurilla ng Department of Tourism
Sa Pilipinas, pang-apat ang mga Tsino sa talaan ng mga turistang dumalaw sa bansa nitong nagdaang taon. Tumaas ang bilang ng 30% kung ihahambing ito noong 2010. At ayon kay Director Louella Jurilla ng Department of Tourism, hangad ng kanyang ahensya ang makaakit pa ng mas maraming bisita mula sa China.
Upang ipakilala ang mga pwedeng pasyalan sa Pilipinas, idinaos sa Beijing ang Philippine Tourism Conference. Ito ay pinangunahan ni Jasmin Esguerra, Tourism Attache ng Philippine Embassy sa Beijing.
Panayam kay Jasmin Esguerra, Tourism Attache ng Philippine Embassy sa Beijing
Puerto Princesa ang tampok na destinasyong panturismo ng PTC. Ito ang itinuturing na last ecological frontier ng Pilipinas at isang UNESCO World Heritage Site. Kamakailan napabilang ang Underground River ng Puerto Princesa sa New 7 Wonders of the World. Inilahad ni Rebecca Labit, City Tourism Officer ng Puerto Princesa kung bakit Its More Fun in Palawan.
Panayam kay Rebecca Labit, City Tourism Officer ng Puerto Princesa
Ano ang naman hakbang ng DOT para mas maging mabilis ang pagkuha ng turistang Tsino ng Visa dahil kakambal ng programang panturismo ang pagpapadali ng mga mahalagang dokumento tulad ng Visa.
Kung mayroon kayong kuru-kuro o mungkahi tungkol sa aming programa, huwag po mag-atubiling mag-iwan ng mesahe sa aming website na filipino.cri.cn., o magpadala ng text messages sa numerong 0921-2572397. Sa mga kabarkada sa facebook, ipaki-click lamang po ang "like" button sa aming facebook page na crifilipinoservice para magkaroon po kayo ng updates sa aming mga programa at ibat-ibang aktibidad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |