![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Sa programa ngayong gabi, hatid namin ang kuwento ng isang Pinoy na nagtuturo ng Tagalog dito sa Tsina, walang iba, kundi si Ariel Diccion.
Sa mga dating programa, kinapanayam minsan namin ang mga estudyenteng Tsino na nag-aaral ng Tagalog sa Peking University. Ito ang tanging unibersidad na may kurso ng Tagalog sa Tsina ngayon, itinatag nito ang madalas na pakikipagpalitan sa Pamantasa ng Ateneo de Manila sa Pilipinas.
Si Ariel Diccion at ang kanyang mga estudyenteng Tsino
Si Ariel Diccion ay miyembro ng Kagawaran ng Filipino ng Ateneo. Pagpasok ng bagong taon, ipinadala siya sa Tsina para magturo ng Wikang Filipino sa mga estudyenteng Tsino.
Nakakuha si Ariel ng Bachelor's Degree sa Management noong 2000. Pero pagkatapos ng ilang taong pagtra-trabaho, ipinasiya niyang bumalik sa pag-aaral para pag-ibayuhin ang kanyang kahusayan sa Wikang Filipino. Sabi niya noong bata pa siya, malinaw sa kanya na nais nya ang trabaho na tuwirang nakikipag-usap sa mga tao. Ang lolo at lola ni Ariel ay mahusay mag-Pilipino dahil sila ay taal na Marikenyo, naakit siya sa wika, kaya gusto niyang gamitin ang wikang Filipino sa anumang hanap-buhay.
Kinapanayam ng mamamahayag ng Serbisyo Filipino si Ginoong Diccion
Ngayon, may Confucius Institutes sa maraming unibersidad ng Pilipinas, at mayroon ding mga mag-aaral ng Tagalog dito sa Tsina. Anu-ano ang masasabi ni Ginoong Diccion sa katuturan at kahalagahan ng pag-aaral ng wika ng ibang bansa? Pakinggan ang aming programang "Mga Pinoy sa Tsina" sa linggong ito.
Kung mayroon kayong kuru-kuro o mungkahi tungkol sa aming programa, huwag po mag-atubiling mag-iwan ng mesahe sa aming website na filipino.cri.cn., o magpadala ng text messages sa numerong 0921-2572397. Sa mga kabarkada sa facebook, ipaki-click lamang po ang "like" button sa aming facebook page na crifilipinoservice para magkaroon po kayo ng updates sa aming mga programa at ibat-ibang aktibidad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |