Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Carlo Guina: Summer Palace Photowalk ng POP Beijing

(GMT+08:00) 2012-05-24 18:38:54       CRI

Nitong Sabado, pinasyalan namin ang Summer Palace. Kasama sa UNESCO World Heitage Site ang Summer Palace. Ito ang isa sa mga sikat na tourist destinations dito sa Beijing. Sa pagpasok ng tag-init, parami ng parami ang mga turista na namamasyal dito. At ito rin ang napiling lugar ng Pinoy Overseas Photographers Beijing o POP Beijing para sa kanilang photowalk.

Mga miyembro ng POP Beijing

Nakipag kwentuhan sa amin si Carlo Guina, ang Presidente ng POP Beijing para ipaliwanag ang mga adhikain ng aktibidad na ito.

2008 nabuo ang POP Beijing. Ito'y isang grupo ng mga Filipino Expats na likas na malikhain, pinagbuklod dahil lahat matalas ang mata at may talento para pumitik ng mga larawan na napapa wow ang sinomang titingin. Matibay ang kanilang samahan. At ayon kay Carlo, espesyal at talagang malapit sa kanilang puso ang Great Wall of China.

Seminor tungkol sa potograpiya

Mula ng naitatag, ilang sa mga miyembro ang nagkaroon na ng pangalan sa larangan ng potograpiya. Meron na sa kanilang grupo ang award winning at published hindi lamang dito sa Tsina kundi maging sa ibang bansa. Ano ang masasabi ni Carlo tungkol sa tagumpay ng ka-grupo nya?

Kinapanayam ni Machelle si Carlo Guina, Presidente ng POP Beijing

Sa kanyang termino maraming mga proyekto ang nakahanda. Ang ilan dito nakatuon sa pagpapalawig ng kaalaman sa potograpiya ng mga miyembro. Meron din nilulutong aktibidad para makatulong sa isang ampunang para sa mga bulag na bata dito sa Beijing.

Abangan po ninyo ang mga larawan na kuha ng mga sumali sa Summer Palace Photowalk sa website na www.popbeijing.org

Kung mayroon kayong kuru-kuro o mungkahi tungkol sa aming programa, huwag po mag-atubiling mag-iwan ng mesahe sa aming website na filipino.cri.cn., o magpadala ng text messages sa numerong 0921-2572397. Sa mga kabarkada sa facebook, ipaki-click lamang po ang "like" button sa aming facebook page na crifilipinoservice para magkaroon po kayo ng updates sa aming mga programa at ibat-ibang aktibidad.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>