|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, ipinatutupad ng pamahalaan ang higit tatlong buwang crackdown sa mga dayuhang illegal na nagtratrabaho at naninirahan sa bansa.
Ngayong gabi ay ibabahagi namin ang kwento ng isang PInay na naranasan ang crackdown bago mag Beijing Olympics. Hindi biro ang kanyang napagdaanan lalo pa't di sya bihasa magsalita ng wikang Tsino at sapilitan syang isinama sa prisinto. Narito ang aming panayam kay Leilani Pedrosa Quijano.
Walang dapat ipangamba kung nasa-ayos ang lahat ng dokumento. Ayon sa mga awtoridad na Tsino layunin crackdown na tugunan ang pagdami ng mga kaso ng 3 illegals o illegal entry, overstaying at ang pagtratrabaho ng walang kaukulang work permit.
Base sa Exit-Entry Administration sa Beijing Municipal Public Security Bureau, kabilang sa top 5 nationalities na sangkot sa 3 illegals ay ang Republic of Korea, Amerika, Canada, Russia at Japan.
Kaya't hininimok ang mga dayuhang ayusin ang lahat ng mga papeles at sumunod sa mga batas Tsino.
Sa Pilipinas nananatiling isang malaking suliranin ang mga illegal recruiters na nagsasamantala sa mga taong nais makipagsapalaran at magtrabaho sa Tsina. Naging biktima din si Leilani ng mga namemera at walang pusong mga recruiter.
Kaya't paalala nya na wag basta maniniwala sa mga matatamis na salita at pangako ng daglian at malaking kita. Siguruhin din ang uri ng visa para pagdating dito sa Tsina walang magiging problema.
Kung mayroon kayong kuru-kuro o mungkahi tungkol sa aming programa, huwag po mag-atubiling mag-iwan ng mesahe sa aming website na filipino.cri.cn., o magpadala ng text messages sa numerong 0921-2572397. Sa mga kabarkada sa facebook, ipaki-click lamang po ang "like" button sa aming facebook page na crifilipinoservice para magkaroon po kayo ng updates sa aming mga programa at ibat-ibang aktibidad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |