Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

DIANNE CAYETANO: Buhay Pinoy Teen sa Beijing

(GMT+08:00) 2012-06-14 18:07:09       CRI

Bilang paggunita sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, ibabahagi namin ang panayam sa isang kotorse anyos na bata. Kahit may gatas pa sa labi, proud sya bilang isang teen Pinoy. Narito ang kwento ni DIANNE CAYETANO.  

Aktibo si Dianne Cayetano sa mga aktibidad sa Philippine Embassy. Dahil bibo, di nakakapag-taka kung madalas syang mapili bilang youth rep. Kapag kailangan din ng bagets na pwedeng pumarada suot ang Pinoy Termo o anumang kasuotang Filipiniana, isa si Dianne sa pwedeng modelo.

Si Dianne Cayetano

Syete anyos lang si Dianne nung unang dating nya sa Beijing. Isinama sya ng kanyang mommy na teacher sa isang International School.

Dahil laking Beijing, minsang sumali si Dianne sa programang Proud to be Pinoy ng Philippine Embassy. Sa tulong ng youth camp nakakilala sya ng kapwa bata at sama sama nilang natutunan ang kultura, kasaysayan at mga sikat na lugar sa Pilipinas.

Maniwala kayo't hindi, sa youth camp na ito natuto si Dianne na umawit ng Lupang Hinirang… ang pambansang awit ng Pilipinas.

Kasalukuyang nasa Grade 8 si Dianne sa International Academy of Beijing. Kaunti ang kakilalang ka-eded na Pinoy at marami sa kanyang mga kaibigan ay mga Korean.

Kahit malayo sa Pilipinas, updated si Dianne sa latest pagdating sa showbiz. Hilig din nya ang panonood ng mga Pelikulang Tagalog.

Dagdag ni Dianne, kapag may pagkakataon, ikinu-kwento nya sa mga kaibigang dayuhan ang kagandahan ng PIlipinas. At ibinibida ang mga sikat na Pinoy tulad ni Charice Pempengco, Manny Pacquiao at si Jessica Sanchez.

Teenager man makabuluhan naman ang sagot ni Dianne. Di daw lonely ang teenlife nya sa Beijing. Kahit kaunti ang barkadang PInoy, ka-bonding naman nya ang mommy at kapatid na kasabay na bumibirit sa kanilang Karaoke parties.

Kung mayroon kayong kuru-kuro o mungkahi tungkol sa aming programa, huwag po mag-atubiling mag-iwan ng mesahe sa aming website na filipino.cri.cn., o magpadala ng text messages sa numerong 0921-2572397. Sa mga kabarkada sa facebook, ipaki-click lamang po ang "like" button sa aming facebook page na crifilipinoservice para magkaroon po kayo ng updates sa aming mga programa at ibat-ibang aktibidad.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>