|
||||||||
|
||
Kabayan, kung bakasyunista ka, dapat kasama sa papasyalan mo ang Summer Palace. Madaming dahilan: Una, kabilang ito sa World Heritage Site ng UNESCO. Ikalawa, ito ay isang obra maestra ng Chinese landscape garden design. Ikatlo, maganda ang tanawin at madaming lugar na pwede kang mag posing-posing.
Wala itong katulad. Pambihara at masining ang pagkakagawa ng Summer Palace dahil sa likas ang ganda ng mga tanawin at bukod-tangi ang arkitekturang Tsino.
Makikita dito ang higit 1oo halimbawa ng tradisyunal na pavilion, terase, templo, pagoda, gazebo sa tabi ng lawa, pasilyo, tulay na bato at ang pamosong marble boat. 290 hektarya ang kabuuang laki ng lugar.
LARAWAN NI ALEX DE DIOS - 1ST PLACE SA POP BEIJING SUMMER PALACE PHOTOWALK
Noong Yuan Dynasty, ang Kunming Lake ay tinatawag na Big Lake, The West Sea o West Lake. Kahit noong sinaunang panahon, kapag dumating ang buwan ng Abril ay pinapasyalan talaga ito ng mga tao. Ngayon, may mga bangka na pwedng rentahan ang mga turista para sa isang relaxing na pagsasagwan.
KUHA NI OWEN TIAM, 2ND PLACE POP BEIJING SUMMER PALACE PHOTO WALK
LITRATO NI MARK BORES – 3rd PLACE POP BEIJING SUMMER PALACE PHOTO WALK
Ang Southern Lake Island ay idinudugtong sa pampang ng nakakamanghang Seventeen Arch Bridge. Ito ay may ilang iskultura ng mga leyon na sa paniniwala ng mga Tsino ay simbolo ng kapangyarihan at taga-taboy ng kamalasan.
KUHA NI NOEL TOLENTINO - 4TH PLACE POP BEIJING SUMMER PALACE PHOTO WALK
Sa larawang ito makikita ang representasyon ng pa gua. Ang bawat gilid ng octagon ay kumakatawan sa 8 elemento ng kalikasan – Langit, Lawa, Apoy, Kidlat, Hangin Tubig Bundok at Lupa.
Kung nais makita ang mga larawan ng kuha mula sa POP Beijing Summer Palace Photo Walk i-klik ang link na ito : http://www.popbeijing.org/2012/05/12/event-pop-beijing-summer-palace-photowalk/
PAANO PUMUNTA SA SUMMER PALACE
Address: West of Peking University, Haidian District;
No. 19, Xin-jian-gong-men Road, Haidian District, Beijing.
Ticket: 30 yuan/tao ; 50 yuan/tao kasama ang tiket sa mga exhibition at ilang halls/
Traffic: 20 bus papunta sa Yiheyuan mula sa ibat ibang lugar ng Beijing, stopping at the park's east, north or south gate. These include: Bus No.s 301, 303, 332, 374, 375, 726, 826, 801 and 808;
Tel: 86-10-62881144.
PAANYAYA
Kabayan kung kayo ay may magandang litrato ng mga tanawin o pasyalan sa anumang lungsod ng Tsina, baka pwede nyo itong ibahagi sa aming mag email lang sa Filipino_section@yahoo.com. Wag kalimutang ibahagi ang kwento sa likod ng litrato
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |