|
||||||||
|
||
Dito sa Tsina, matunog ang kanyang pangalan. Kilala dahil isa syang batikan at iginagalang na mamamahayag. Sa tagal ng paninirahan sa Beijing, marami ang nagsasabing kabilang siya sa mga China-experts na tunay na nauunawaan ang galaw ng pulitika at kayang pulsuhan ang lipunang Tsino. Siya ay walang iba kundi si Ginoong Jaime FlorCruz.
Sina Machelle Ramos (sa kaliwa), Jaime FlorCruz (sa gitna) at Ernest Wang (sa kanan)
Para sa episode ngayong gabi ng Mga Pinoy sa Tsina nagbalik tanaw ang CNN Bureau Chief at kanyang ibinahagi ang naging buhay bilang isang stateless citizen noong 1970s. Alamin kung paano siya napa-ibig ng Tsina at kung ano ang nais nyang mai-ambag sa mga kabataang Pinoy ngayon.
Sina Machelle Ramos, Jaime FlorCruz at Rhio Zablan
Narito po ang kabuuan ng panayam hatid sa ating ni Ernest Wang at ni Rhio Zablan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |