|
||||||||
|
||
Hindi kumpleto ang pamamasyal sa Tsina kung di pupunta sa Great Wall. Ito ang pinaka-mahabang man-made structure sa buong mundo.
Noong 1972, dumalaw si US President Nixon sa Great Wall. At mula noon nakapunta na sa Badaling Great Wall ang halos 400 foreign leaders at milyong milyong turista mula sa ibat ibang panig ng mundo.
Si Rax Quijano ay isang art teacher dito sa Beijing. At ngayong tag-init rekomendado nya ang pagpasyal sa Badaling Great Wall. At ibinahagi nya sa Serbisyo Filipino ang ilang larawan na kuha niya. Pinili ni Rax na pasyalan kasama ng ilang kaibigan ang hiking trail sa gilid ng Great Wall. Di ito masyadong pinupuntahan pero hanep ang view at challenging daw sa mga trekkers dahil alok ng lugar ay kakaibang outdoor adventure.
Noong Qin Dynasty ginamit ang adobe, putik at bato para itayo ang milya-milyang pader. Pero noong Ming Dynasty sinimulan ang paggamit ng laryo o bricks para patatagin ang istrukturang ito. Ayon kay Rax , ang ilang ruins ay nagsisilbing pahingahan ng mga hikers. At masarap daw ang pakiramdam kung mararating ang isang bahagi ng Great Wall na hindi pa nare-restore.
Hindi propesyonal na photographer si Rax pero gamit ang simple point and shoot camera ay nakakuha sya ng luntiang mga tanawin sa lalawigan ng Hebei di kalayuan sa Beijing.
PAANO PUMUNTA SA BADALING GREAT WALL
Sumakay ng subway Line 4 mula sa Summer Palace papuntang Xizhimen. Tapos magpalit ng tren Line 2 papuntang Jishuitan station. Mulsa sa northeast exit maglakad sa Deshengmen bus terminal. Sumakay ng Bus 919 papunta sa Badaling Great Wall. Kung naka kotse: Badaling East Highway, exit sa Huayuan.
Bayad: CNY 45 (Apr. 1 to Oct.31); CNY 40 (Nov.1 to Mar.31)
Cable Car: CNY 60 (single trip); CNY 80 (round trip)
Pulley: CNY 30 (single trip); CNY 60 (round trip)
Oras ng Pagbubukas: 06:30-19:00 (Summer); 07:00-18:00 (Winter)
Dagdag na paalala ng ating Kabayang si Rax, kapag magha-hiking sa Basaling magsuot ng kumportableng sapatos at damit. Magdala ng proteksyon sa araw, pamatid uhaw, sapat na pagkain at pamalit na damit. Ay hinihikayat din nya ang mga hikers na "kumuha lang ng mga larawan, iwanan lang ang bakas ng mga paa, kitlin lang ang pahahon."
Sa Ingles "Take nothing but pictures, leave nothing but footprints, kill nothing but time." --- Si Rax Quijano kasama ang asawang si Lani )
PAANYAYA
Kabayan kung kayo ay may magandang litrato ng mga tanawin o pasyalan sa anumang lungsod ng Tsina, baka pwede nyo itong ibahagi sa amin. Mag email lang sa Filipino_section@yahoo.com. Wag kalimutang ibahagi ang kwento sa likod ng litrato.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |