|
||||||||
|
||
Iba iba ang dahilan ng mga Pinoy kung ba't sila napapadpad sa Tsina. Meron tayong isang kakabayan na di inakalang aabot ng higit 40 taon ang kanyang pamamalagi dito. Sya ay walang iba kundi si Ginoong Eric Baculinao, kasalukuyang Beijing Bureau Chief ng NBC News.
Si Ginoong Baculinao ay grumaduweyt na Cum Laude ng Political Science mula sa U.P. Diliman. Isa syang student leader at noong Dekada 70 kasama sya sa grupong inimbitahan na pumunta ng Tsina. Pero nabago ang kanyang guhit ng palad dahil napilitang syang humingi ng asylum sa pamahalaang Tsino matapos ideklara ang Martial Law sa Pilipinas.
Sa panayam ibinahagi ni Eric ang maituturing nyang mga importanteng tagpo sa kasaysayan ng Tsina. Ito'y ang Cultural revolution kung saan naranasan nyang makipamuhay sa mga commune noong 70s, ang mga kaganapan sa Tian 'anmen at ang pag-unlad ng economiya ng Tsina.
"Lahat tayo estudyante ng kasaysayan." Ani Eric. Matapos ang 4 na dekada ng pamumuhay sa pinaka matagumpay na sosyalistang bansa sa daigdig, ano na kaya ang ideyolohiyang pinaninindigan ngayon ng dating aktibista at ngayo'y premyadong mamamahayag? Sagot nya: Unahin at bigyang pansin ang pagtaaas ng antas ng pamumuhay ng mga tao.
Dalawang-katlo ng buhay ni Eric Baculinao ay iginugol nya sa pagmamatyag ng takbo ng politika sa Tsina. Ilan sa mga tagpong ito ay kanyang inilahad bilang mamamahayag ng NBC at ito'y umani ng parangal mula sa Emmy. Sa kasalukuyan patuloy syang naka-abang sa mga bagong kaganapan, bagong kasaysayan ng bansang maari nyang ituring na ikalawang tahanan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |