|
||||||||
|
||
Ang Great Wall International Music Academy ay isang mahalagang international exchange program para sa mga batang may bukod tanging talento sa pagtugtog ng klasikal na musika.
Itinatag ito noong 2005 ng Starling Project Foundation, at tuwing tag-init dumadayo sa Beijing ang piling mga mag-aaral para maging kalahok sa 3 linggong classical music institute. Sa taong ito, pinalad na muling makasali si Kristine Clair Galano. Pinaunlakan ni KC at ng kanyang butihing ina na si Evangeline Uchi-Galano ang Serbisyo Filipino ng pagkakataon para ilahad ang kanyang karanasan dito sa Beijing.
Si Kristine Clair Galano
Sa murang edad na 4, nagsimulang tumugtog ng biyolin si Kristine. Ngayon sa edad na 11, kabilang sya sa mga estudyante ni Prof. Kurt Sasmannshaus, ang President at Artistic Director ng Great Wall International Music Academy. Siya din ang tumulong kay Kristine para maging handa sa matinding tugtugan dito sa Beijing.
Sa loob ng 3 linggo, sumabak si Kristine sa mga master classes ng mga kilalang pangalan sa larangan ng classical music. Nakipagsabayan siya sa galing ng mga kabataan mula sa Tsina at ibat ibang bansa. At higit sa lahat, nagkaroon sya ng mga bagong kaibigan na pahahalagan buong buhay nya.
Kinapanayam ni CRI reporter Machelle Ramos si KC at ang kanyang ina na si Evangeline Uchi-Galano
Ngayong taon, nagpunta ng Beijing ang National Public Radio na "From the Top." Ito ay isang programa sa Amerika na kumikilala sa galing ng mga batang manunugtog. Dalawang pagtatanghal ang ni-rekord ng "From the Top" at sa isang programa, may solo performance si Kristine.
Sa kasalukuyan, bumalik na sa Brunei si Kristine kasama ang kanyang ina. Matapos ang summer camp umuwi syang masaya dahil sa naging karanasan sa Beijing.
Nakasama nya sa konsiyerto ang mga kabataang may mahaba ng karanasan sa pagtugtog sa orkestra. Nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan na award winning at kinikila ang husay sa pandaigdigang larangan ng classical music. Isang naiibang eksperensiya ang maging bahagi ng bagong henerasyon ng mga batang talento sa orchestral at chamber music.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |