Isang Memorandum of Understanding (MOU) tungkol sa pagtatayo ng kanal na gagamiting sa pagpapatrolya sa Ilog Mekong ang nilagdaan kahapon nina Bouasiang Champaphan, Ministro Tanggulang Pambansa ng Laos at Liu Hong, Pangalawang Manager ng China Road & Bridge Corporation.
Ang proyektong ito ay may habang 289.5 kilometro at ito ay itatayo sa Probinsyang Luang Nam Tha at Probinsyang Bokeo ng Laos. Ang kanal na ito ay gagawin upang mapangalagaan ang kaligatasan ng mga tripulante at barko dumadaan sa ilog na ito. Magbibigay ito ng kabutihan sa pakikipagkalakalan ng Tsina, Laos, Burma at Thailand at magpapaunlad ang mga probinsya sa hangganan ng teritoryo ng Laos. Pauunlarin nito ang pamumuhay ng mga lokal na mamamayan at pasusulungin ang kooperasyon ng Tsina at Laos sa pulitika at ekonomiya.
Salin: Chen Jingyang