![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Noong 2011 di lingid sa ating kaalaman na nalugmok ang Philippine Airlines, ang national flag carrier ng bansa, dahil sa mga problema. Kabilang dito ang epekto ng paglakas ng hatak ng mga budget airlines na umagaw sa malaking porsyento ng mga parokyano ng PAL. Masalimout din ang labanan ng PAL at mga empleyadong inalis nito sa trabaho. Malaki din ang epekto ng pabago-bagong presyo ng langis sa merkado.
Ngayon taon, binabantayan ang mga pagbabago sa PAL matapos umupo bilang Pangulo ng kumpanya si Ramon Ang. Kamakailan laman ng mga pahayagan mula sa Pilipinas ang multi-million dollar fleet modernization program ng Philippine Airlines.
Sa ilalim ng bagong management unti-unting bumabangon ang PAL. Katunayan nito ang pagbili ng 50 bagong mga Airbus na nagkakahalaga ng $7 Billion. Plano ding magpatayo ng PAL ng pinakamalaking paliparan sa Pilipinas at bubuksan ito sa 2016. Tungkol naman sa higit 2000 empleyadong nawalan ng trabaho, balak ng PAL na kunin sila matapos maisakatuparan ang mga planong pangmodernisasyon nito.
Bilang suporta sa lumagong industriya ng turismo sa Pilipinas malaki ang mai-aambag ng isang airline na subok ang serbisyo at tunay na maasahan ng pasahero.
Sa gitna ng mga pagbabagong ito, kinapanayam namin si Richard Lim ang District Sales Manager ng PAL sa Beijing at kinumusta ang lagay ng flag carrier sa Tsina dahil sa ibang mga hamon na kinakaharap nito. Narito ang kanyang mga naging tugon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |