|
||||||||
|
||
Kung pagiging beterano ng coverage ng China-ASEAN Expo ang pag-uusapan, nag-iisa at walang kapantay si Zhuang Mingdeng. Si Ginoong Zhuang ang Editor in Chief ng Chinese Commercial News, nangungunang Mandarin newspaper sa Pilipinas.
Noong 2006, sa Ika 3 CAEXPO unang niyang narating ang Nanning, Guangxi. Kasama sya sa delegasyon ni Pangulong Gloria Arroyo. Mula noon anim na CAEXPO na ang mapuntahan niya.
Nakita ni Ming, tawag ng malalapit na kaibigan sa media, ang mabilis na pagbabago ng lungsod ng Nanning. Sa kanyang taon-taong pagbisita napatunayan nyang malaki ang nai-ambag ng taunang ekspo sa pag-unlad ng Guangxi.
Itinuturing ng delegasyon ng mediang Pilipino bilang "big brother" si Ming. Katuwang sa pagkalap ng balita, gabay sa pag-aangulo ng istorya at higit sa lahat,sa paglibot sa Nanning at sa pamimili, maasahang "taga-tawad" dahil bihasa sa pagsasalita ng Mandarin.
Sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino, ibinahagi na Ming ang kanyang pagtasa sa partisipasyon ng Pilipinas sa CAEXPO. Nagbigay din sya ng ilang kuro-kuro hinggil sa mga takbo ng pangangalakal sa Tsina at mga dapat isa-alang alang ng mga nais makapasok sa pamilihang Tsino.
Pakinggan ang kabuuan ng interbyu sa audio link sa itaas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |