|
||||||||
|
||
Ang San Fernando La Union ay itinuturing bilang "Gateway to the North" at "Prime Capital City of Ilocandia." Dito makikita ang Poro Point Freeport Zone. Sa katatapos na Ika 9 na China ASEAN Expo sa Nanning, Guangxi tampok ang San Fernando bilang isa sa mga City of Charm ng Pilipinas.
Ipinakilala ni Mayor Pablo Ortega sa mga negosyante at mamumuhunan mula sa Tsina at mga bansa na kasapi sa ASEAN ang mga natatanging katangian ng lungsod. Pangunahin dito ang estratehikong lokasyon ng lungsod. Dito rin makikita ang Poro Point Freepoint Zone.
Ayon pa sa butihing Alkalde ng San Fernando, ang Poro Point ay isang kumpletong pasilidad na handang tumugon sa mga pangangailangan ng mga nais magbukas ng negosyo sa Pilipinas. Ito'y may malaking piyer, anim na warehouses at open storage areas para sa ibat ibang uri ng kargamento.
Dagdag pa ni Mayor Ortega sa kanyang naging presentasyon sa CAEXPO, ang San Fernando ay napakadaling marating sa pamamagitan ng eroplano, barko at kotse. Ito'y may layo lang na 270 kilometro sa Kamaynilaan.
Ang San Fernando ay dinadayo ng maraming mga turista kung saan pangunahing mga destinasyon ang Thunderbird Resort, botanical garden, Ma-cho Temple, at ang 25-talampakang istatwa ni Christ the Redeemer sa Reservoir Hill.
Sa kanyang panayam sa CRI Serbisyo Filipino ibinahagi ni Mayor Ortega ang naging bunga ng kanilang pagsali sa CAEXPO. Pakinggan ang kabuuan ng aming interbyu sa audio link sa itaas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |