Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Produkto ng Lalawigan ng Quirino, Kalinga at Naga, tampok sa CAEXPO

(GMT+08:00) 2012-10-18 18:38:28       CRI

Para sa marami ang mga dahon at sanga ng puno ay nakakatulong lang para sa pagpapalilim. Pag natuyo ang mga ito'y patapon na. Pero sa mga taga Quirino Province ang mga ordinaryong dahon ng butterfly tree ay ginanamit para pagkakitaan. Dito galing ang isang produkto na kung tawagin ay fossilized flowers.

Mga produkto ng Pilipinas na itinanghal sa ika-9 na CAEXPO

Ang Quirino Livelihood for Everyone o Q-LIFE ay isa sa mga ekhibitor sa katatapos lang na Ika 9 na CAEXPO na ginanap sa Nanning, Guanzi ng Tsina. Itinampok ng Q-LIFE ang pamosong fossilized flowers at ilang sa kanilang mga produktong pagkain at palamuti sa bahay.

Likha ng mga marginalized na kababaihan ang mga produkto ng Q-Life. Hangad nitong magkaroon ng mapagkakakitaan at mai-angat ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng industriya ng paggawa ng fossilized flowers. Sa Pilipinas, kilala ng ang produktong ito. Ibinahagi ni Emilia Fernandez , kinatawan ng Maddela Flowers ang naging pagtanggap ng mga Tsino at mga mamimili mula sa ibang bansa sa kanilang mga produkto.

Kinapanayam ni Machelle Ramos si Emilia Fernandez, kinatawan ng Maddela Flowers

Sold out naman ang mga pilinut mula sa Naga City. Ayon kay Avelina Miranda swak sa panlasang Tsino ang ibat ibang mga produkto mula sa RPM Pilinuts. Matapos ang 3 araw ng pagbebenta, kumita ang kanilang booth ng 60,000RMB. Ayon kay Gng. Miranda dinoble nila ang dami ng dala nilang produkto ngayong taon dahil sa mabentang mabenta ito sa CAEXPO. Sa 2013 balak nilang mas palakihin pa ang bolyum ng kargamento at mas palakihin ang booth dahil country of honor ang Pilipinas.

Mabentang mabenta ang pilinut sa CAEXPO

Para sa mga mahilig magkape, tampok sa CAEXPO ang tanyag ng kape mula sa Cordillera, ang Kalinga Brew. Limang beses nang sumasali ang kanilang kumpanya sa CAEXPO. At ayon kay Antuza Refalda, Manager ng kalinga Brew may impact talaga ang pagsali sa expo. Maganda ang pagtanggap sa produkto at nakilala ng mga mangangalakal na Tsino ang kapeng Pinoy. Ngayong taon dagdag ni Gng.Refalda, may isang negosyanteng Tsino ang interesdong kumuha ng kape para sa kanyang coffee shop sa Guanxi.

 Si Antuza Refalda, Manager ng kalinga Brew

Ang ready to drink na kalamansi at dalandan juice ng BESO Import Export Trading Corporation ay pinalad din. Kung matutuloy ang negosasyon aangkatin ng mga distributor mula sa Guanzi at Hong Kong ang kanilang mga inumin.

Samantala, 100 bote ng virgin coconut oil kada araw ang naibebenta ng Nature's Gift sa CAEXPO. Imported mula sa Pilipinas at ibinibenta ng isang distributor na Tsino ang produkto. Tinatangkilik ang produkto ng mga kababaihan dahil likas itong pampaganda ng kutis.

Booth ng virgin coconut oil ng Nature's Gift

Hindi maitatanggi na Ang CAEXPO ay isang magandang plataporma para sa kalakalan, at sana sa susunod na taon mas maraming mga negosyanteng Pinoy ang samali dito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>