![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Si Ginoong Salazar ay isang kolumnista ng Manila Bulletin. At kamakailan sya ay naging delegado ng Pilipinas sa ASEAN 10+3 Media Forum dito sa Tsina na dinaluhan ng 40 mamamahayag mula sa 10 bansa na kabilang sa ASEAN.
Sa panayam nila Machelle Ramos at Ramos Escanillas, kanilang natalakay ang ilang mahahalagang usapin na kinakaharap ng mga bansa na kasapi sa ASEAN at ng kanilang mga dialogue partners na kinabibilangan ng Tsina, Hapon at Korea.
Ibinahagi din ni Ginoong Salazar ang naging bunga ng kanilang pagdalaw sa Jilin, ang kinalabasan ng porum hinggil sa kapayapaang pangrehiyon, at ang mga emerging industries ng Tsina.
Noong dekada 90, pinalad na maging Visiting Professor ng ilang mga kilalang unibersidad sa Tsina si Ginoong Salazar dahil sa kanyang kaalaman tungkol sa entrepreneurship. Sa kanyang ilang beses na pagdalaw sa Tsina sa loob ng dalawang dekada, nakita nya ang marami at mabilis na pagbabago ng bansa.
Pakinggan ang buong panayam ng CRI Serbisyo Filipino sa audio link sa itaas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |