|
||||||||
|
||
Ang Shijiazhuang ay isang lungsod sa Hebei. Ito ang sentrong pang-ekonomiko, politika, kultura at syentipiko ng lalawigan. Sa nasabing lungsod umusbong ang pagkakaibigan at pagmamahalan nila Joel Bongsilan at Ma. Luisa Yuson.
Joel, isinusuot ang singsing na tanda ng pagmamahal at katapatan kay Luisa
Pagpirma sa katibayan ng kasal nila Joel at Luisa
Pareho silang guro dito sa Tsina, Licensed-teacher mula sa Apayao si Joel at 6 na taon na syang nagtratrabaho dito sa Tsina. Samantalang mula naman sa Lingayen si Luisa at 4 na taon na nyang ginagamit ang kanyang teaching degree at lisensya sa pagtuturo sa Shijiazhuang.
Ang bagong kasal kasama ang mga saksi
Nabigyan ng pagkakataon ang Serbisyo Filipino ng CRI na masaksihan ang kanilang pag-iisang dibdib --- hindi sa simbahan at hindi rin sa Tanggapan ng Suliraning Sibil ng Tsina. Kundi ginaganap ang kanilang kasal sa Pasuguan ng Pilipinas dito sa Beijing.
Konsul Rhen Rodriguez, ikinakasal sina Joel at Luisa
Espesyal para kay Konsul Rhen Rodriguez ang pag-iisang dibdib nila Joel at Luisa dahil ito ang kauna-unahang kasal na kanyang isagawa. Ipaliwanag ni Konsul Rodriguez ang legal na basehan ng kanyang kapangyarihan para magsagawa ng kasalan sa Philippine Embassy.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |