|
||||||||
|
||
Sa katatapos na London Olympics, nasungkit ng Light Flyweight Boxer na si Zou Shi Ming ang gintong medalya para sa Tsina. Dahil sa kanyang tagumpay mas marami nang mga Tsino ang nagkakainteres sa boxing.
Sa Club Hero, isang fitness center sa Beijing, nakilala ng Serbisyo Filipino si Ryan Willis. Sa kasalukuyan, sya ang nag-iisang boxing trainor … sa nag iisang gym … na nagsasanay sa mga nais maging propesyunal na boksingero.
Dalawang taon nang nagtuturo si Ryan sa Beijing at kakaiba ang kanyang istilo dahil bukod sa boksing bihasa din siya sa kickboxing at Muay Thai.
Si Ryan, kasama si Rhio Zablan, nagsasanay sa boksing
12 taon na siyang nagsasanay sa mixed martial arts. Malayo na ang narating ng binatang tubong La Trinidad, Benguet… 2003 hinirang syang pambansang kampyon sa Big Challenge. At noong 2009 sya ang itinanghal bilang No. 1 ng World Muay Thai Association. Ang kampeyonato ay ginanap dito sa Tsina.
Dahil kaunti ang mga Tsino na na-eenganyo sa professional boxing, isa sa mga mithiin ni Ryan ay maipakilala ang isport na ito sa mas maraming taga Beijing. Sa kasalukuyan, kasama sa kanyang mga sinasanay si Zhang Tie Quan, ang kauna unahang UFC Fighter na Tsino, at mga kilalang manlalaro ng Ruff Ultimate Fighting Championship na sila Yao Hong Gang, Li Jin Liang, Liu Lian Jie, Cui Liu Cai at Amu Rijirigala.
Si Ryan, kasama si Yao Honggang
Ibinabahagi ni Ryan sa kanila ang higit 10 dekadang ekperiyensya at lahat ng mga natutunan sa Way of the Champion sa Benguet at maging sa Elorde Boxing Gym sa Las Pinas. Higit sa lahat, gusto nyang maging instrumento sa pagsasanay sa mga mga bagong titingalaing kampeyon ng MMA mula Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |