![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Isa sa pinakalumang hutong sa Beijing ang Nan Luo Gu Xiang. 700 taon… ganito katagal na ang lugar at ito'y kabilang sa mga protektadong bahagi ng Beijing dahil ito ay hitik sa kasaysayan. Maraming mga turista sa lugar, pero dinadayo din ito ng mga mahilig sa lumang mga gusali, tulad ng aming kinapanayam para episode na ito ng Mga Pinoy Sa Tsina.
Isang tindahan sa Nan Luo Gu Xiang--Larawang kinuha ni Alex De Dios
Si Alex De Dios ay 5 taon nang naninirahan sa Beijing. Mga gusali, pamayanan, parke, kalye't iskinita … ang lahat ng ito ay nakakatawag ng pansin ni Alex. Di nakapagtataka dahil lisensyado syang Architect sa Pilipinas.
Estilo ng pamumuhay sa Nan Luo Gu Xiang--Larawang kinuha ni Alex De Dios
Ang talento sa paglikha ng kaaya-ayang kapaligiran, pagdidisenyo nang magiging itsura di lang ng gusali, maging ang mga bagay sa paligid nito yan ang forte ni Alex.
Karaniwang Tsino sa Nan Luo Gu Xiang--Larawang kinuha ni Alex De Dios
Sa libre nyang oras, pinagyayaman nya ang hilig sa potograpiya. Natawag ng kanyang pansin ang makabuluhang lugar sa Beijing na Nan Luo Gu Xiang. At sa kanyang paglilibot sa Nan Luo Gu Xiang nakakuha sya ng mga litratong di nya akalain ay maitatanghal sa isang exhibit dito sa Beijing.
Sa Summer Palace, kinapanayam nina Machelle at Lito, dalawang mamamahayag ng Serbisyo Filipino, si Alex De Dios
Si Alex De Dios ay kasama sa mga bagong miyembro ng POPBeijing. Makikita ang larawan na kanyang kinuha sa Summer Palace Photowalk sa website na www.popbeijing.org
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |