|
||||||||
|
||
Nagtipon-tipon sa Pasuguan ng Pilipinas kamakailan ang mga miyembro ng ASEAN Ladies Circle o ALC. Ito ay samahan ng maybahay ng mga diplomata mula sa 10 bansang ASEAN. Kasapi din dito ang kababaihan na nagtratrabaho sa mga nasabing pasuguan.
Si Ginang Marla Chua, maybahay ni Amb. Alex Chua, nagtalumpati sa pagtitipon ng ALC
Mga kababaihang nagtatrabaho sa Embahada ng Pilipinas sa Tsina
Tampok sa Islands Fiesta ang mga larawang kinunan sa Lalawigang Leyte at Tacloban. Ipinaliwanag ni Renen Viola, Pangulo ng POP Beijing na ang paglalakbay na ito ay nagbukas ng kanyang isipan sa kawili-wiling katangian ng mga Pinoy. Ito rin ay nagbigay sa kanya ng pagkakataon para mapasyalan ang ilang tagong lugar na kamangha-mangha at labis ang ganda. Sa kanyang talumpati ay ibinahagi nya ang mas malalim na katuturan ng Mirth of the Islands.
Kinapanayam ng Serbisyo Pilipino ang ilan sa mga dumalo sa Islands Fiesta para kumuha ng reaksyon.
Kinapanayam ni Machelle si YinYin Myint, maybahay ng Defense Attache ng Myanmar Embassy
Si YinYin Myint, Maybahay ng Defense Attache ng Myanmar Embassy ay magulat sa haba ng pagdiriwang ng Pasko at naibigan ang mga larawang kinunan ng Pop Beijing.
Kinapanayam ni Machelle si Wang Jin, mula sa China ASEAN Center
Samantala, si Wang Jin na mula sa ASEAN CHINA CENTER ay enjoy na enjoy sa pagsasayaw at naniniwalang ang turingan ng mga taga ALC ay parang mga magkakapatid.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |