|
||||||||
|
||
Sa Pilipinas, nagsisimula ang pagdiriwang ng Pasko pagsapit ng ika-16 ng Disyembre at natatapos ito sa Pista ng Tatlong Hari na pumapatak sa ika-6 ng Enero.
Kinapanayam ni Machelle si Marla Chua, kinatawan ng Pilipinas sa ASEAN Ladies Circle
Nang ibahagi ito ni Gng. Marla Chua, kinatawan ng Pilipinas sa ASEAN Ladies Circle, ikinagulat ng mga bisita na mula sa 10 bansa sa Timog Silangang Asya ang haba ng selebrasyon.
Hangad ng Islands Fiesta na ipakilala ang diwa ng kapaskuhan at ang bukod tanging kultura ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kanta, sayaw at mga larawan.
Sina Machelle at Vera, mga mamamahayag ng Serbisyo Filipino
Pagpasok sa Bulwagang Acacia kung saan idinaos ang pagtitipon, makikita ang isang bahay kubo na puno ng kiping. Ito ay isang tagpo mula sa Pahiyas Festival ng Lucban,Quezon. Ang mga dumalo ay nagkaroon ng pagkakataon na magposing at kumuha ng souvenir photos habang naka dungaw sa bintana ng makulay na bahay.
Ikinuwento ng mga taga Philippine Embassy sa dayuhang mga bisita na ipinagdiriwang ang Pahiyas bilang pasasalamat sa masaganang ani. At ang kiping ay di lang palamuti ito'y pwedeng kainin dahil gawa ito sa giniling na bigas.
Pagsisindi ng parol
Simbolo ng Pasko ang parol. Sa loob ng Pasuguan sinidihan ang maraming parol mula sa Pampanga. Kumukuti-kutitap, ang mga ilaw nito'y tila sumasayaw sa masayang tugtog ng kapaskuhan.
At syempre pag may pista, may pagkain! Masayang pinagsaluhan ng mga kababaihan mula sa Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand Vietnam, Pilipinas at Tsina ang arroz caldo, biko, maja blanca, kutsinta, pan de sal at marami pang iba.
Pagtatanghal ng mga larawang kinuha ng POP Beijing
Dagdag ni Gng. Chua simula pa lang ito, dahil marami pang mga aktibidad ang Pasuguan ng Pilipinas ngayong Disyembre. Balak nilang isagawa ang isang outreach program sa isang ampunan dito sa Beijing dahil ani ng maybahay ni Amb. Alex Chua, ang tunay na diwa ng Pasko ay pagbibigayan.
Pakinggan ang kabuuan ng panayam sa audio link sa itaas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |