|
||||||||
|
||
Pangunahing mithiin ng Kagawaran ng Pagsasaka ang tugunan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagtiyak sa suplay ng pagkain at itaguyod ang sariling produksyon nito.
Booth ng Pilipinas sa COI Fair
Bukod dito tinukoy ng pamahalan ang pagsasaka bilang centerpeice ng ekonomiya ng Pilipinas, kaya naman ang pagpasok ng pamumuhunan sa agribusiness ay susi sa pag-unlad ng bansa.
Sa kauna unahang pagkakataon sumali ang Departamento ng AgriBusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) ng Kagawaran ng Agrikultura sa ika apat na China Overseas Investment Fair.
Sina Leonila Baes, Joyce Bengo at Teresa Solis ng Kagawaran ng Agrikultura ng Pilipinas
Layunin ng delegasyong humimok ng mga mamumuhunan sa Mariculture Park, Agri-Aqua Techno Park, Food Processing Facilities, Agri-Tourism at umenganyo ng bahay kalakal ng Tsino para maglagak ng pondo para sa pagpapalago ng sektor ng agrikultura.
Ibinahagi ni Joyce Bengo ng AMAS ang iba pang layunin ng delegasyon sa pagsali sa nasabing investment fair sa Beijing
Sina Leonila Baes at Joyce Bengo ng AMAS
Tampok sa booth ng Pilipinas ang mga prutas na gaya ng saging, mangga, pinya, papaya at ibat ibang processed food na ipinagmamalaki ng Pilipinas. Ayon kay Leonila Baes madami ang interesado at inaasahan nilang aangkatin ang mga produktong ito ng mga negosyanteng Tsino sa malapit na hinaharap.
Bukod sa mga produktong ito ipinakilala rin sa COI Fair ang Bacolod bilang lungsod na bukas sa pamumuhunan. Sa pamamagitan ng mga one-on-one discussions, nakapanayam nila Teresa Solis ng Dept of Agriculture Region 6 at Lina Sanogal kinatawan ng LGU ng Negros Occidental, ang mga interesadong Tsino na nais makipagtulungan sa larangan ng solar energy, import at export ng pagkaing dagat at ang pagsuporta sa mga programang magpapalawak sa organikong pagsasaka sa Bacolod.
Si Teresa Solis ng Dept of Agriculture Region 6
Dagdag ni Bb. Bengo isinusulong din ng pamahalaan ang Public Private Partnership at nakalatag na ang mga polisiyang susuporta sa programang ito. Isa sa mga pinagtuunan ng pansin ng DA ang paghahanap ng mga interesadong partido sa irrigation projects ng ibat ibang lalawigan ng bansa.
Sa kabuuan ang pagsali sa China Overseas Investment Fair ay nagbukas ng maraming pagkakataon para sa pagpapalitan at kooperasyon. At inaasahang ito'y positibong magbubunga para palakasin ang sektor ng pagsasaka sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |