![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
"Mamuhunan at Magtulungan para sa mas Mabuting Daigdig", ito ang tema ng China Overseas Investment Fair ngayong taon. Ang COI Fair ay isang mahalagang plataporma para sa mga bahay kalakal Tsino na nag aasam makipagkalakalan sa buong mundo. Ito rin ay nagbibigay ng pagkakataon na makahanap ng bilateral at multi-lateral na pamumuhunan at kooperasyon sa Tsina ang mga dayuhang pamahalaan, organisasyon, pampublikong mga tanggapan at mga pribadong kumpanya.
Sa kauna unahang pagkakataon ay lumahok sa nasabing tanghalan ng pamumuhunan ang lalawigan ng Negros Occidental.
Si Vic Leviste, Agricultural Counselor ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing
Sa kanyang pambungad na pananalita, inilahad ni Vic Leviste, Agricultural Counselor ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, ang lagay ng ekonomiya ng bansa at ang bentahe nito para sa mga dayuhang mamumuhunan. Aniya maganda ang lagay ng ekonomiya ng Pilipinas at ito sa ngayon ay may Fitch credit rating na BB+. At ang Administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III, dagdag ng counselor, ay patuloy na naninindigan para labanan ang kurapsyon at tax evasion, mga bagay na malaki ang ambag sa kalakan at pamumuhunan.
Si Ma. Lina Sanogal, Provincial Planning and Development Officer sa Negros Occidental
Dalawang araw lang ang COI Fair, pero mabunga ito. Ayon kay Ma. Lina Sanogal, Provincial Planning and Development Officer sa Negros Occidental, interesado ang China Animal Husbandry group na makipagtulungan sa kanyang lalawigan lalo na sa livestock, cattle at sheep production. Sa booth ng Pilipinas, marami ang nagtatanong ukol sa organikong pagsasaka at pagtatanim ng palay. Dahil mayaman sa produktong agrikultural natalakay din, sa mga one-on-one discussions ang pagkakaroon ng mga imprastruktura tulad ng processing plant.
Kinapanayam ni Machelle si Ma. Lina Sanogal
Hangad ng COIFair na isulong ang pandaigdigang paglaki ng ekonomiya, magbukas ng bagong tsanel para sa pag-unlad, lumikha ng pagkakataon para sa pamumuhunan, talakayin ang mga polisiya sa paglalagak ng puhunan at hanapin ang pinakamabisang paraan para sa epektibong kolaborasyon. Ang paglahok ng Pilipinas sa nasabing tanghalan ng pamumuhunan, nawa ay makatulong para makamit ang mithing kaunlaran ng bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |