![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Malaki na ang pinagbago ng takbo ng pamamahayag sa buong mundo. Sa Asya patuloy na umuunlad ang media at ang tinatawag na "multimedia world" ay nagbibigigay ng madaming hamon para sa mga mamamahayag.
Para sa aming episode ngayong gabi aming kinapanayam si Dr. Violet Valdez, Associate Professor mula sa Konrad Adenauer Asian Center for Journalism ng Ateneo de Manila University.
Dr. Violet Valdez sa Ika-10 Asian Media Forum
Inimbitahan si Dr. Valdez sa Ika 10 Asian Media Forum na ginanap sa Communication University of China dito sa Beijing. Ngayong taon ang tema ng porum ay Probe into the Reality: Media Beyond Imagination.
Sa kanyang talumpati, nilahad niya ang mabilis na paglaki at pagsikat ng mga online websites, social networking, citizen journalism at ang ibat ibang plataporma na ginagamit sa pagpapalaganap ng balita. Ihinayag niya ang mga pagbabago na bunsod ng teknolohiya sa isang multimedia newsroom at ang bagong responsibilidad ng mga mamamahayag sa hi-tech na panahon.
Dr. Violet Valdez sa Ika-10 Asian Media Forum
Sa panayam ng Serbisyo Filipino ibinahagi ni Dr. Valdez ang kagandahang dulot, maging ang masamang epekto ng mga pagbabagong ito. Amin ding napag-usapan ang naging palitan ng kuro-kuro ng mga dumalo sa porum at ang mga importanteng kaalaman na dapat isa-isip ng isang multimedia reporter para maging lubos na epektibo sa pagbabahagi ng impormasyon sa publiko.
Ang buong panayam sa mapapakinggan sa pamamagitan ng audio plug-in sa itaas.
Para sa karagdagang impormasyon sa Asian Center for Journalism at mga programa nito, dalawin ang website na http://acfj.ateneo.edu/
(Ang mga larawan ay kuha ng Communication University of China)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |