|
||||||||
|
||
Ang wikang Tsino ang umakit kay Victor para tumulak papuntang Jilin. Ang Jilin ay isang lalawigan sa hilaga-kanluran ng Tsina. Di man sing-moderno ng Beijing, ang Jilin ay may taglay na katangian na tatatak sa puso't isipan ng isang dayuhan.
Si Victor Cruz
Si Victor Cruz ay nag-aral ng wikang Tsino sa lalawigan ng Jilin. Kaunti o madalang ang mga dayuhan sa bahaging ito ng Tsina. Kaya't aming kinamusta ang paninirahan ni Victor sa isang lugar na medyo mabagal ang galaw ng pamumuhay.
Si Victor, kasama ang mga kaibigan mula sa Foreign Affairs Office ng kanyang pamantasan sa Jilin
Ano kaya ang kanyang reaksyon matapos mamalagi rito kung saan malayo sa mga nakagawiang bisyo ng lungsod tulad ng Starbucks at pagtambay sa mega shopping malls? At higit sa lahat, paano sya nakatagal gayong iilan lang ang pwede nyang maka-bonding gamit ang Ingles?
Tanawin kapag taglamig sa pamantasan ni Victor Cruz
Pakinggan po natin ang kanyang mga tugon sa aming naging kwentuhan
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |