|
||||||||
|
||
Isa sa pinakamalaking takot ng mga nagba-banda ang mawalan ng pwesto at matigil ang regular na raket. Sa Pilipinas man o sa mga OFW na tumutugtog sa mga hotel at bars sa ibang bansa, dasal nila ang makakuha ng pangmatagalang trabaho.
Sa Great Wall Sheraton Hotel nakilala ko ang isang Beijng old-timer. Siya ay walang iba kundi si Ramon Almazan. 13 taon nang tumutugtog dito si Ramon at ang grupo niyang Stagelights.
Si Ramon Almazan
Sa aming kwentuhan ni Ginoong Almazan, na star-struck ako nang malaman kong kasama pala sya sa orihinal ng grupo ng PenPen ni Emil Sanglay. Nagbalik tanaw ang gitarista at ikinuwento ang pagkapanalo ng kantang Uhaco na Lupa sa 4th MetroPop noong dekada 80 at ang kanilang tagumpay sa ASEAN Song Festival. Kasama ng tagumpay ang intriga, at ito ang naging dahilan kung bakit tumiwalag siya sa grupo at iba ang tinahak na landas.
Pwedeng sabihing kasama si Ramon sa unang bugso ng mga Pinoy entertainer na nangibang bansa. Pinili nya ang trabahong ito para itaguyod ang pamilya.
Si Ramon Almazan at ang Stagelights
Anu mang trabaho ay may kaakibat na pagsubok. Pero kapag kasama sa banda, ang mga pagsubok ay nag-uugat sa ibat-ibang pananaw ng miyembro hinggil sa pagpapahalaga sa kanilang trabaho. Nakakalungkot dahil ang pagbagsak ng isa, ay pagbagsak ng buong grupo. Naranasan ito ng beteranong gitarista.
Taong 2000 nabigyan ng pagkakataon si Ginoong Almazan na magtrabaho sa Beijing. Sabi nya dito nya naranasan ang pag-usad ng kanyang career bilang musikero. Dito na rin nabuo ang Stagelights na ilang taong na ring nagbibigay-saya sa mga kliyente ng Great Wall Sheraton.
Pakinggan ang buong panayam sa pamamagitan ng audio plug-in sa itaas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |