|
||||||||
|
||
Noong nakaraang linggo aming ibinahagi ang aming panayam kay Ramon Almazan, ang band leader ng grupong Stagelights. Ang Stagelights ang resident band ng Great Wall Sheraton Beijing. At kasama ni Ramon sina Rosabelle, Venus at Flordeliz. Ngayong linggo sa Mga Pinoy sa Tsina, inilahad ng grupo kung bakit "fulfilling" ang kanilang trabaho. Paano nila natulungan ang kanilang mga pamilya at kung paano sila tumagal sa ganitong trabaho? Ang Stagelights ay maituturing na isa sa mga matagumpay na bandang Pinoy dito sa Beijing. Una dahil matagal na silang tumutugtog sa Sheraton at dahil madami matapos ang maraming taon, huli pa rin nila ang kiliti ng kanilang mga kliyente.
Si Ramon Almazan, kasama ang Stagelights
Gaya ng nabanggit ng mga dilag ng Stagelights di biro ang buhay entertainer. Di madali ang mag memorya ng mga kanta para sa gabi gabing pagtatanghal sa Great Wall Sheraton Beijing, na iba iba ang kliyente at iba iba rin ang hilig sa musika. Mapa ballad man, dance song o classic … pag inawit ng Stagelights sigurado, ang crowd ay mapapa bilib. Kaya't sa susunod na mamasyal sa Beijing, panoorin ninyo ang Stagelights. Tiyak na bibilib kayo sa galing nila.
Si Rosabelle
Si Venus
Si Flordeliz
Pakinggan ang buong panayam sa pamamagitan ng audio plug-in sa itaas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |