|
||||||||
|
||
Binuksan ngayong umaga sa Beijing ang Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina. Lumahok sa pulong sina Hu Jintao, Xi Jinping, iba pang mga lider ng Tsina, at halos 3000 kinatawan ng bagong NPC. Ito ay sumasagisag na opisyal nang nagsimula ang panunungkulan sa tungkulin ng mga bagong kinatawan ng NPC.
Tatagal ang naturang sesyon ng 12 araw. Bukod sa pagsusuri sa Government Work Report o ulat sa mga gawain ng pamahalaan, ihahalal sa sesyon ang mga bagong lider ng estado at pamahalaan ng Tsina.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |