![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Mula pagkabata hilig na ni Ramon Almazan ang potograpiya. Nang nangibang bayan, ang hilig na ito ay naging "passion" dahil sa maraming magagandang lugar na nakita at samu't saring mga taong nakasalamuha.
Noong isang taon sumali si G. Alamazan sa Beijing in the Eyes of Foreign Friends.
CCTV Building (Larawang kuha ni Ramon Almazan)
Sa panayam ibinahagi nya ang kwento ng litratong kinunan niya. Walang iba kundi ang bagong CCTV Building na nakakatawag pansin dahil sa kakaibang disenyo nito.
Isang araw natyempuhan nya ang "perfect moment" at walang tigil na pumitik hanggang makunan ang lahat ng anggulo para sa kanyang "perfect photo." At ang perfect photo na ito ang isinali nya sa kategoryang Architectural Innovation sa taunang timpalak sa potograpiya.
Di man nanalo ng pangunahing premyo, ayon sa amateur photogtapher, isang karangalan na mapili ang kanyang 6 na larawan at mapabilang sa nilathalang aklat para sa taong 2012. Dagdag nya ito ay patunay na may narating na rin ang kanyang hilig sa pagkuha ng litrato.
Pakinggan ang buong panayam sa audio plug-in sa itaas.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Pinoy Overseas Photographers – Beijing, pumunta sa website na : popbeijing.org
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |