|
||||||||
|
||
Di maitatanggi, kahit saan sa mundo, ang musika ay isang mainam na paraan para mapalapit ang mga magulang sa kanilang anak. Halimbawa nito ang paghehele o ang pakikipaglaro sa pamamagitan ng mga nursery rhymes. Sa pagtuturo ng isang sanggol malaki ang pwedeng i-ambag ng musika.
Si Lampel Joy Solis isang guro ng Early Childhood Development at sertipikado sa pagtuturo ng Kindermusik dito sa Beijing. Mahigpit ang labanan para sa mga dayuhang guro dito sa Beijng. Ano ang bentahe ng isang Pinoy na Ilokana na tulad ni Lampel?
Si Lampel Solis, kasama ng kanyang mga kindergarten students
Sa Beijing marami mga family centers ang nag-aalok ng Kindermusik. Marami na rin ang naniniwala sa curriculum nito na batay sa siyentipikong pag-aaral ng mga dalubhasa. Ang mga sanggol na sumailalim sa programang ito ay napatunayang mas maagang nakababasa at mas mabilis na nakauunawa. Sila rin ay mas magaling makipagkapwa, mabilis na nade-develop ang spatial-temporal and reasoning skills na kailangan sa Matematika, nagiging mas malikhain. At sa pamamagitan ng pag-indayog sa musika, ang mga bata ay walang hirap sa pagpapaunlad ng kanilang gross and fine motor skills.
Sa Pilipinas, isang guro ng Araling Panlipunan si Teacher Lampel. At dahil gustong higit pang palawigin ang kaalaman nag desisyon syang mangibang bayan. At Tsina ang unang bansa na kanyang pinuntahan.
Teacher Training sa Shijiazhuang na ibinigay ni Lampel
Nahikayat siyang magturo ng Ingles sa Shijiazhuang, Hebei, Tsina noong 2008. At dinala ng pagkakataon sa Beijing upang simulan ang kerera sa mga family centers. Sa kasalukuyan higit 2 taon na siyang nagtuturo ng Kindermusik sa mga magulang at kanilang mga anak mula sa pagiging sanggol hanggang lumaki ito't pumasok sa traditional na mga eskwela.
Galing sa Ingles, pagmamahal sa trabaho, talino at ang likas na talento sa pag-awit. Ito ang mga kailangan kung nais magkaroon ng sertipikasyon sa Kindermusik.
Si Lampel Solis at ang isa sa kanyang estudyente sa Beijing
Bukod dito, sa Beijing nagkaroon din ng pagkakataon si Teacher Lampel na magamit ang degree sa B.S. Secondary Education, dahil sya rin ay gumagawa ng mga lesson plans para sa isang International School. Sa Pilipinas, bahagi ng pang-araw araw na gawain ng isang guro ang paggawa ng lesson plan, pero ito pala ay pwede na ring pagkakitaan kahit nasa bahay lang.
Balak bumalik ni Teacher Lampel sa Pilipinas. Plano nya na ibahagi ang kanyang mga natutunan dito Beijing at magtayo ng isang family center sa Baguio upang ipakilala sa kanyang mga kababayan sa Benguet ang maraming bentahe ng Kindermusik.
Pakinggan ang buong panayam sa pamamagitan ng audio plug-in sa itaas. Mas mabilis gumana sa Internet Explorer
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |