|
||||||||
|
||
Mga ka-barangay at ka-nayon, tagsibol na sa Tsina, at nag-uumpisa nang bumuti ang lagay ng panahon. Nagsisimula na ring umusbong ang mga dahon ng mga punoy-kahoy at bulaklak ng mga halaman, at siyempre, perfect na ang panahon upang maglakwatsa at mamasyal.
Kaya naman, sa edisyong ito ng "Pasyal Tips," ang lunsod ng Tianjin: pinakamalapit na lunsod sa Mega Beijing ang aming ipakikita at ipakikilala sa inyo.
Hapyaw-kaalaman
Ang Tianjin ay salitang Tsino na direktang nangangahulugang "lugar kung saan tumawid sa ilog ang emperador." Nakaharap ang lunsod na ito sa Dagat Bohai, at minsan ding naging imperyal na daungang papasok ng Beijing.
Bago itatag ang People's Republic of China, ang Tianjin ay napasailalim sa pamamahala ng mga bansang katulad ng Italy, Germany, France, Russia, Great Britain, Austria, Japan, at Belgium. Kaya naman magpahanggang sa kasalukuyan, kapansin-pansin ang impluwensiyang kanluranin sa arkitektura ng Tianjin.
Ang mga estrukturang ito ay nagbibigay ng "exotic flavor" na nagpapatingkad sa ganda ng lunsod.
Narito ang ilan sa mga kuhang larawan, hatid sa inyo ng lente ng Serbisyo Filipino:
Estrukturang kanluranin
Mga templo at sinaunang pamilihang Tsino
Mga makabagong gusali
Lumang simbahan ng Tianjin
Tambayan
Mga "cute moments"
Karagdagang Impormasyon
Ang Tianjin ay may tatlong dimensyonal na sistema ng transportasyon. Madaling makakarating dito mula sa ibang lunsod ng Tsina, o maging mula sa ibayong-dagat.
Fly-fly (eroplano):
Ang paliparan ay 13 kilometro mula sa sentro ng lunsod, at madali itong marating sa pamamagitan ng bus at taxi. Ang punong tanggapan naman ng Civil Aviation Administration of China (CAAC) ay matatagpuan sa 113 Nanjing Lu.
Schedule:
Flights to and from Availability (days of week) Flying time
Shanghai Lunes hanggang Linggo 1.5 oras
Guangzhou Lunes hanggang Linggo 2 oras
Hong Kong Lunes hanggang Linggo 2 oras
Xiamen Lunes, Martes, Miyerkules, at Sabado 2 oras
Qingdao Lunes hanggang Linggo 1.5 oras
Chongqing Miyerkules at Sabado 2 oras
Guilin Martes at Biyernes 4 oras
Nagoya Lunes,Miyerkules,at Biyernes 1.5 oras
Tsooo-tsooo (tren):
Araw-araw ay may biyahe ng bullet train mula Beijing patungong Tianjin, at mula Tianjin patungong Beijing. Ang Tianjin ay mayroon ding direktang linya ng tren sa mga lunsod na gaya ng Shanghai, Nanjing, Ji'nan, Fuzhou, Hefei, Yantai, Qingdao, Shijiazhuang Harbin, Shenyang, at Changchun.
Train No Destination Departure Time Arrival Time
T532 Beijing 0600 0719
T534 Beijing 0700 0821
T540 Beijing 1305 1425
T542 Beijing 1500 1619
T544 Beijing 1615 1729
T546 Beijing 1656 1815
K33 Shanghai 1605 (2)0930
K253 Guangzhou East 2107 (2) 0524
K751 Tangshan 0558 0724
1477 Zhenjiang 1943 (2) 1245
1521 Harbin 1740 (2) 1011
2223 Jilin 2004 (2) 1308
2545 Wuchang 1350 (2) 0857
2561 Xi'an 0952 (2) 1008
4403 Dezhou 1415 1807
4412/3 Chengde 2142 (2) 0436
4417 Qinhuangdao 0805 1217
4483 Taiyuan 1953 (2) 0747
Brooom-brooom (bus):
Ang Tianjin ay may mainam na koneksyon ng mga daanan at lansangan sa halos lahat ng lugar sa bansa. Ito ay matatagpuan sa gitna ng Beijing-Tianjin-Tangshan Expressway, kaya naman napaka-kombinyenteng tunguin ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |