Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ma-Arte Ako] Pingshu o storytelling

(GMT+08:00) 2013-04-03 18:28:32       CRI

Isasalaysay ko sa inyo ang isa pang uri ng sining na medyo pareho sa Xiangsheng, ang tawag dito ay storytelling, Pingshu o Pinghua.

Ang Pingshu ay nagsimula noong Song Dynasty (960AD—1279AD). Pagkaraan ng hene-henerasyong pagbabago, madalas itong marinig at makita ngayon sa radyo at TV.

Ang narinig ninyong Pingshu ay pinamagatang "The Yang Family" o Yang Jiajiang na itinatanghal ng master na si Tian Lianyuan.

Nagtatanghal si Tian Lianyuan ng The Yang Family

Nakatayo si Tian Lianyua sa likod ng isang simpleng mesang kahoy. Sa itaas ng mesa, may isang folding fan at parihabang kahoy na tinatawag na Xingmu o attention-catching block. Nagkukuwento siya habang ginagamit ang body gestures at iyong de-tuping pamaypay, malakas ang boses at mayaman ang ekspresyon.

Ano ang gamit ng Xingmu o attention-catching block?

Ang Xingmu

Karaniwa'y ginagamit ang Xingmu nang isang beses lamang. Sa simula ng pagtatanghal, ginagamit ng storyteller ang Xingmu para kalampagin ang mesa. Tulad ng pangalan nito, ang gamit nito ay para makaakit ng atensyon ng mga manonood.

Tungkol saan ang "The Yang Family?"

Libro hinggil sa The Yang Family

Ang "The Yang Family" ay isang mahabang saga tungkol 4 na henerasyong sa paglaban ng pamilyang Yang sa mga mananalakay sa bansa noong panahon ng Song Dynasty. Ipinakikita ng kunwento ang lubusang katapatan at buong tatag na pangangalaga ng isang pamilya sa bansa, at inaasahan ng mga mamamayan ang kapayapaan. Bahagi ng kuwento ang mga tunay na pangyayari, pero, mayroon ding mga likhang-isip na karakter at eksena. Sa kunwentong ito, para mapaalis ang mga mananalakay, nagpatala ang mga babae sa hukbo, nang mamatay ang mga miyembrong lalaki ng pamilya. Kapag namatay naman ang mga panginoon, nagpatala rin ang mga basalyo o attendant.

Sino si Tian Lianyuan?

Siya ang isa sa mga masters ng Pingshu. Ang mga performers ng Pingshu ay magaling sa recitation, pagsasalaysay at pagtatanghal. Sina Shan Tianfang, Liu Lanfang, at Yuan Kuocheng naman ay kasalukuyang kilalang kilalang storyteller ng Tsina.

Si Shan Tianfang

Si Liu Lanfang

Si Yuan Kuocheng

Ano ang Pingshu? Ano ang mga mahalagang elemento ng Pingshu?

Unang una, pagkukuwento. Tulad ng Xiangsheng, nagkukuwento ang mga storyteller. Pero, karamihan sa nilalaman ay mahabang kuwento, tulad ng The Yang Family. Bawat episode, ikinukuwento ang bahagi lamang, at natatapos ito sa pinakakawili-wili o pinakakaakit-akit na eksena para patuloy na panoorin ng mga manonood ang susunod na mga episode.

Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng storytelling at xiangsheng, ay iisang tao ang nagtatanghal ng storytelling. Siya ang namamahala sa pagkukuwento, paggaya ng mga tunog, at iba pa.

Maraming performers ng Xiangsheng ay nag-aaral mula sa mga storytellers o ginagaya nila ang paraan ng pagsasalaysay ng mga storytellers para gamitin sa sariling Xiangsheng performance.

Hindi ganito kayaman ang drama, broadcasting play sa radyo o scene play sa TV, iisang performer lamang ang namamahala sa lahat, kaya, nababahala ang ilang tao na baka mawala ang Pingshu sa hinaharap, dahil karamihan sa mga manonood o tagapakinig ng Pingshu sa kasalukuyan ay mga matatanda. Tungkol dito, sinabi ng master na si Tian Lianyuan na huwag magalala, tiyak na mananatiling popular ang Pingshu kung patuloy itong pag-uusapan ng mga tao. Mga kaibigan, ano ang masasabi ninyo hinggil dito?

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>