Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dr. Pauline Tan Ngo : Pinoy Pedia sa Tsina

(GMT+08:00) 2013-04-03 18:37:16       CRI

Ang aming programa ngayong gabi ay magtatampok sa buhay Tsina ni Dr. Pauline Tan Ngo. Siya ang kauna-unahang Pedriatric Cardiologist sa lalawigan ng Negros. Pero nang madestino ang kanyang asawa sa Tsina, wala siyang magawa kundi iwan ang karera sa Pilipinas para sumama sa kanyang kabiyak.

2004 dumating sa Beijing si Doc Pauline at isa sa kanyang panalangin ay makahanap ng trabaho para naman di maburo at di mamalagi na lang sa bahay, At ang panalanging ito ay dininig dahil nakahanap siya ng mapapasukan. Laking tuwa ng doktor dahil pwede rin nyang ituloy ang kanyang medical practice dito sa Beijing.

Mahirap bang kumuha ng lisensya sa Tsina? Gaya sa ibang bansa, kailangan pumasa sa serye ng pagsusulit ang sino mang doktor na nais mag-trabaho sa Tsina. At ito ay puspusang pinaghandaan ni Doc Pauline. Laking pasasalamat din nya dahil ang eksamen ay nasa wikang Ingles.

Para kay Doc Pauline dapat niyang alamin ang mga cultural sensitivities ng kanyang mga dayuhang pasyente. Ang Beijing ay isang napaka laking internasyonal na komunidad at ang kanyang mga ginagamot ay mula sa ibat ibang nasyonalidad at ibat ibang lahi.

Halos 10 taon nang nanggagamot si Doc Pauline sa Tsina. Mula 2006 marami na ring suking pasyente sa Vista Medical Center ang Pinoy na Pedia. Kaya marami na rin syang mga magulang na nagbigay ng personal na endorsements sa Weibo. Maniniwala ba kayong marami beses nang napuri ang amableng doktor ng mga nanay ng kanyang mga pasyente?

Puno talaga ng oportunidad ang Tsina at bukas na rin ito sa mga medical professionals na nais subukan kamlang ang kakayahang makapanggamot sa international community.

Pakinggan ang buong panayam sa pamamagitan ng audio plug-in sa itaas. Mas mabilis gumana sa Internet Explorer.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>