|
||||||||
|
||
Isang seminar tungkol sa new media ang isinagawa kamakailan ng State Administration for Radio, Film and TV (SARFT) ng Tsina. Dumalo dito ang dawalang delegado mula sa Pilipinas kasama ang ilan pang mga kinatawan mula sa mga bansang kasapi sa ASEAN.
Sina Justin Gatuslao, Division Chief for Special Concerns, at Christian Soqueño, Citizens Engagement Officer ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.
Sina Christian Soqueño at Justin Gatuslao, kasama ang mga miyembro ng Serbisyo Filipino na sina Ernest Wang, Machelle Ramos at Rhio Zablan
Sa panayam ng Serbisyo Filipino, ibinagi nila Justin at Ian ang ilang mga aktibidad na bahagi ng seminar para sa mga news officials mula sa ASEAN. Bilang pinagmumulan ng mensahe ni Pangulong Benigno Aquino III, ibinagi rin ng dalawang delegado sa mga counterpart mula sa ASEAN, ang set-up kung paano ang daloy ng impormasyon mula sa loob ng Malacanang patungo sa publikong pinagsisilbihan ni Pangulong Aquino. At ang plataporma na pinagtuunan ng seminar ay new media o ang internet.
Ang tema ng SARFT Seminar ay New Media, New Direction at New Cooperation.
Si Christian Soqueño at si Justin Gatuslao sa loob ng CRI studio
Sa Pilipinas, aktibo sa paggamit ng social network sites ang mga Pinoy. At para kina Justin at Ian sa pamamagitan ng new media madali nilang napupulsuhan ang publiko.
Ang buong panayam ay mapapakinggan sa audio link sa itaas. Mas mainam kung ang browser na gagamitin ay Internet Explorer.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |