![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ang lalawigan ng Bohol ay mala-paraiso. Ang isla na nasa puso ng Visayas, ay kilala dahil sa nakamamanghang mga tanawin, mayamang kasaysayan at kakaibang karanasang naghihintay sa bawat turista.
Philippine Tourism Conference (PTC)
Ang Philippine Tourism Conference (PTC) ay taunang aktibidad na pinangungunahan Kagawaran ng Turismo dito sa Beijing, sa pamumuno ni Jazmin Esguerra, Tourism Attache.
Bilang kinatawan ng Pasuguan ng Pilipinas dumalo sa kumperensiya si Bb. Evangeline Ong-Ducrocq, kasalukuyang Minister at Consul. Sinabi niya na ang mga Chinese Outbound Travel Market ay nagtalaga ng 22% pagtaas sa loob ng 2011-2012. At 30% ng mga turista sa ibayong dagat ay binubuo ng mga Tsino. Tinataya na aabot sa 100 milyong Tsino ang magbabyahe sa ibang bansa pagdating ng 2015.
Si Bb. Evangeline Jimenez Ong-Ducrocq, Minister at Consul ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tsina, habang nagtatalumpati sa PTC dito sa Beijing
Dapat itong samantalahin ng Pilipinas ani Ducrocq. Bukod sa mga beach, alok ng kanyang bansa ang mga destinasyong may kinalaman sa pamana ng kasaysayan, shopping, edukasyon, pagkain, negosyo at isports.
Hinimok ni Ducrocq ang mga dumalo sa PTC na diskubrehin ang dahilan kung bakit hinirang ng Lifestyle Magazine bilang "best leisure destination ang Pilipinas," samantalang tinawag ng Shanghai Morning Post ang bansa bilang "most romantic destination." Ayon naman sa Oriental Morning Post, ang Pilipinas ang isa sa pinakamagandang destinasyong panturista. At panghuli, sabi ng Guangzhou Information Times at Guangzhou International Tourism Fair, ang Pilipinas ang pinakasikat na destinasyon sa Asya.
Ayon sa Consul, magtutulungan ang Pasuguan at ang Tourism office para ipaalam sa mga Tsino kung bakit "Its More in the Philippines."
Si Atty. Lucas Nunag, Pangulo ng Bohol Tourism Council, habang inilalahad ang magaganda't kaakit-akit na tanawin at destinasyon sa Bohol
Ipinakilala naman ni Atty. Lucas Nunag, Pangulo ng Bohol Tourism Council ang mga atraksyon ng Bohol. Sa panayam sa Serbisyo Filipino, ibinahagi nya ang pwedeng maibigan ng turistang Tsino sa kanyang lalawigan. Aniya ngayong lumalakas ng halaga ng Yuan-RMB, malayo ang mararating ng perang Tsino at maraming magagawa ang mga taga-Mainland kung papasyal sa Bohol. Tiniyak din niya ang kaligtasan ng mga turista.
Si Machelle Ramos, mamamahayag ng Serbisyo Filipino, habang kinakapanayam si Atty. Lucas Nunag
Dagdag ni Atty. Nunag tumatak sa isipan niya ang disiplina ng mga Tsino at ang kakayahang ipatupad ang anumang plano na nadisisyunan ng pamahalaan nito. Sana, ani ng puno ng Konseho ng Turismo ganito rin ang mangyari sa Bohol.
Ang buong panayam ay mapapangkinggan sa audio link sa itaas. Mas mainam kung gagamit ng Internet Explorer.
(Ang mga larawan ay kuha ni gwapong lakay Rhio)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |