![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Bahagi ng higit dalawang linggong seminar ng State Administration for Radio, Film & Television para sa mga opisyal ng media mula sa ASEAN ang pagdalaw sa Nanjing, Jiangsu.
Ilang mga gusali sa Nanjing
Ang Nanjing ay kilala sa tawag na "Southern Capital" dahil ito ang dating kabisera ng Republika ng Tsina at kapital din ng bansa sa loob ng 10 dinastiya. Kabilang ito sa Four Great Ancient Capitals.
Swerte ang mga delegado ng Pilipinas na sina Ian Soqueno at Justin Gatuslao dahil natyempo ang pagdalaw nila sa panahon ng tagsibol. Mga namumukadkad na puno ng seresa o cherry ang sumalubong sa kanila.
Si Iran Soqueno
Si Justin Gatuslao
Pinasyalan nila ang musoleo ni Dr. Sun Yat-Sen at ayon kay Justin nakita nya ang "tradition of greatness" ng mga Tsino. Dagdag ni Ian kailangan nilang akyatin ang 390 baitang para marating ang tuktok ng libingan at ang bawat isa sa 5 plataporma nito ay kumakatawan sa mga prinsipyo ng pambansang bayani.
Dr. Sun Yat-Sen's Mausoleum
Napasyalan din nila ang Gao Chun county at nakita ang bukod tanging kultura at pamumuhay sa lugar. Tumatak sa isipan ng dalawang dayuhan ang kakaibang tanawin at katangian ng lalawigan.
Ilog ng Qinhuai
Tanawin ng tagsibol sa Nanjing
Mga sangkap na makikita sa Gaochun County
Ipinagmamalaki din ng lalawigan ng Jiangsu ang no.1 programa na Perfect Match at ang mga delegado ay nagkaroon din ng pagkakataong makapasok sa studio kung saan ibinobrodkast ang palabas na ito.
Sa loob ng studio ng JiangSu Broadcasting Corporation
Sa kabuuan ang pagdalaw sa Nanjing, Jiangsu ay nagbigay ng pagkakataon para mas maging malalim ang pang-unawa nila Ian at Justin sa media, pamumuhay at ang paraan ng pamamahala na nagbunga ng kaunlaran sa Tsina.
Ang buong panayam ay mapapakinggan sa pamamagitan ng audio link sa itaas. Mas mainam kung gagamit ng Internet Explorer.
(Ang mga larawan ay kuha nina Ian at Justin)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |