Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ma-Arte Ako] Erhu

(GMT+08:00) 2013-05-03 19:09:44       CRI

Bago natin simulan ang paksa ngayong gabi, pakinggan muna natin ang mga reaksyon ng mga magiliw na kaibigan hinggil sa Beijing opera noong nagdaang episode.

Lilibeth: hindi ko ata makita ang compatibility ng beijing opera at pagrampa ng nakabikining mga beauty contestants.

Rodel: ala'y, pwedeng pwede ka nang kumandidato d2 sa amin sa batangas! qualified na qualified kang maging batanginya!

Manuela:this art has a long history and its greatness cannot be refuted.

Carol: Beijing opera deserves to be in the list of unesco's intangible heritage. it has all the necessary qualities of a legitimate heritage.

Poska: yeah, i've heard about unesco naming beijing opera as intangible cultural heritage. that's logical decision.

super dj happy: basta ikaw ate andrea. malakas ka sa amin d2. marami ka d2ng tagahanga--tunay na tagahanga hindi mga TANGAhanga.

Tinanong naman ni Tina: regular ba ang panonood mo ng beijing opera diyan sa china, ate andrea?

Hindi naman regular. Karaniwa'y nananood ako ng Beijing opera sa TV. May tsanel kasi ang CCTV tungkol sa mga tradisyonal na opera ng Tsina. Dito sa Tsina, puwede rin ninyong mapakinggan ang Beijing opera sa radyo, puwedeng mapanood sa mga bulwagan ng musika, at mayron din siyembreng pagtatanghal ng mga aktibidad na may kinalaman sa tradiyonal na kultura. Pumasok na ang Beijing opera sa pang-araw-araw na pamumumuhay ng mga tao.

Pagkaraan ng pagsasalaysay ng tradisyonal na opera, pupunta naman tayo sa mga tradisyonal na instrumentong Tsino.

Nahahati ang mga tradisyonal na instrumentong Tsino sa 6 na klase: stringed musical instruments, plucked musical instruments, wind musical instruments, stringed percussion musical instruments, mouth reed musical instruments, at percussion musical instruments.

Simulan natin sa stringed musical instruments.

Various stringed instruments

Stringed musical instruments, ibig sabihin, ang instrumentong ito ay tumutunog sa pamamagitan ng vibrating strings.

Tiyak na kilala po ninyo ang mga western stringed musical instruments na gaya ng guitar, violin, Viola at iba pa. Pagdating sa instrumentong Tsino, nananalig akong hindi pa nalilimuntan ng ilang kaibigan ang Jinghu, isang instrumentong kadalasang ginagamit kapag itinatanghal ang Beijing opera. Bilang pangunahing instrumento ng Beijing opera, mahigit 200 taon ang kasaysayan nito.

Ngayon gabi, isasalaysay ko sa inyo ang isa pang stringed musical instrument na ang hugis nito ay katulad ng Jinghu, pero, may mas mahabang kasaysayan. Baka mas kilala po ninyo ito. Ito ang tinatawag na Erhu.

Ang Erhu

Pinakamalaking Erhu sa daigdig

Ano ang Erhu?

Ang Erhu ay isang two stringed bowed instrument na may mababa at mahinhing tunog. Napakahusay ng Erhu sa pagpapahayag, ang tunog nito ay malapit sa tinig ng tao at dahil dito, ito'y isang instrumentong malimit na pakinggan. Sa kanluran, tinatawag itong biyoling Tsino. Nakapagpapahayag ang Erhu ng iba't ibang damdamin ng tao, nguni't pinakamahusay ito sa pagpapahayag ng makabuluhang emosyon.

Ang narinig ninyo ay tinatawag na Moon's Reflection On Er-quan Spring o Er-quan Yingyue, isang representative work ng Erhu.

Nilikha at tinugtog ito ni A Bing, isang bulag. Mula sa melodya at rhythm, nadarama natin ang sobrang kalungkutan, pagkaraan itong mapakinggan, maraming tao ang napaluha nito. Ito nga ang pokus ng naturang obra at ganito nga ang sariling karanasan ni A Bing.

Si A Bing

Nang likhain ang Moon's Reflection on Er-quan Spring, bulag na si A Bing. Madalas niya itong tinutugtog tumutugtog siya nito sa tabi ng Er-quan Spring. Noong panahong iyon, hindi sapat ang pagkain niya bawat araw at napakahirap ng pamumuhay…

Siyempre, mayroon ding masayang tugtugin ang Erhu. Gaya ng Empty Mountain Birds Singing.

Ang Erhu ay isang instrumentong de-kuwerdas na kilalang kilala sa Tsina. Ang kasaysayan nito ay mababakas mula pa noong ika-7 hanggang ika-10 siglo sa Dinastiyang Tang. Nguni't sa panahong iyo'y ang Erhu ay pangunahing kumalat sa hanay ng mga pambansang minoriyang naninirahan sa hilagang kanlurang Tsina. Sa loob ng mahigit sanlibong taong pag-unlad, ang Erhu ay nanating pangunahing instrumento na pansaliw sa mga opera.

Pagkatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina noong l949, ang Erhu ay nagkaroon ng malaking pag-unlad, hindi lamang ito ginagamit sa solo, kundi pansaliw din sa mga opera, sa awit at sayaw, at sa awit na pasalaysay. Ang Erhu ay isang pangunahing instrumento sa mga orkestra ng mga instumentong tradisyonal at ang papel nito ay kasintulad ng papel ng biyolin sa mga orkestra ng mga instumentong kanluranin.

Simple ang kayarian ng Erhu, kaiga-igaya ang tunog nito sa tainga, kaya kinagigiliwan ito ng husto ng mga mamamayang Tsino. Ang instrumentong ito ay isa sa mga pinakapopular na instrumento sa malawak na masa ng mga mamamayan ng Tsina.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>